^

Para Malibang

Screaming Tunnel sa Niagara Falls

MRYOSO - Pang-masa

Nakapasok na ba kayo ng tunnel? Hindi ba’t nakakakilabot minsan ang dumaan sa tunnel lalo na kung walang ilaw dito at mahaba ito? Nakakabingi ang katahimikan at kadiliman. Pero paano kung ang tunnel na dadaanan n’yo ay may maririnig kang batang sumisigaw? Ganito ang nangyayari sa Screaming Tunnel na matatagpuan sa Niagara Falls, Ontario sa Canada.

Ayon sa mga kuwento, kapag nagsindi ka umano ng posporo habang nasa loob ng Screaming Tunnel ay hindi magtatagal at makaririnig ka ng boses ng batang sumisigaw. Nakakakilabot umano ang sigaw na nanggagaling sa isang batang babae.

 Kuwento ng mga taga-roon, itinayo ang tunnel noon pang 1900s para maalis ang sobrang tubig sa mga karatig na bukirin. Pinaniniwalaang nagsimula ang naririnig na pagsigaw ng bata noong may isa umanong batang babae ang napadpad dito habang nasusunog siya. Pero sa kasawiang palad ay hindi nito kinaya at bumagsak at tuluyang namatay at nasunog sa nasabing tunnel. May iba namang kuwento na ginahasa at sinunog ang bangkay ng isang batang babae sa tunnel dahil may mga ebidensyang natagpuan dito tulad ng sunog na damit.

Mula noon isa na ang nasabing tunnel sa kinatatakutang daanan sa buong mundo. Kayo, naniniwala ba sa sinasabing Screaming Tunnel?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with