Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Halimaw na Kumakain ng Bangkay

Maraming kababalaghan ang hindi maipaliwanag. At marami ring kuwento ang mga Pilipino lalo na ang mga matatanda sa probinsya. Hindi tayo mauubusan ng mga kuwento ng kababalaghan lalo na kapag may kinalaman ang mga maligno, engkanto, at lamang lupa.

Ang Bal Bal ay isang uri ng halimaw na kakaiba ang hilig. Kumakain sila ng mga patay na katawan ng tao. Tinatawag ding maninilong sa mga native ng Catanauan, Quezon, parang bampira ang nasabing nilalang at mas gus­tong biktimahin ang mga bangkay. May mahahaba at mata­talim na kuko ang halimaw at 10 beses na sensitibo ang pang-amoy kaysa sa mga aso. Mas madaling makakuha ng biktima ang Bal Bal sa mga sementeryo at  maging sa mga lamay ng patay!

Bukod sa hindi maipaliwanag na mabahong amoy, ang Bal Bal ay may kakaibang kapangyarihan ng hipnotismo na ginagamit nito sa mga tao (tulad ng lamay sa patay) para patulugin ang mga ito habang ginagawa niya ang pagkain sa bangkay. Para naman malinlang ang mga tao, pinapalitan ng Bal Bal ng katawan ng puno ng saging ang bangkay sa kabaong.

Nakaenkwentro na ba kayo ng karanasan sa Bal Bal? Totoo kaya silang nilalang? Kayo na ang humusga.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: