Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Napa-praning na Nanay

Dear Vanezza,

Ako po si Niña ng Caloocan, namomroblema po ako dahil madalas makarinig ang nanay ko ng kwento tungkol sakin mula sa ibang tao at agad niya akong pinaghihigpitan pagtapos makarinig ng kung anu-anong balita. Nahihirapan po ako dahil gusto ko rin naman maging malaya at hindi naman ako gagawa ng mga bagay na alam kong ikakagalit niya. Sumusunod naman po ako sa mga utos niya. Minsan ay napagbibintangan pa niya akong sinungaling nang tanungin niya ako tungkol sa isang bagay na nasagap niya tungkol sa akin. Ano po ang aking dapat gawin? – Niña

Dear Niña,

Ganyan lang ang mga nanay madaling mapraning sa mga naririnig nila tungkol sa kanilang anak. Hindi sa wala siyang tiwala sa iyo. Kundi  nag-aalala lamang si nanay at ayaw ka niyang mapahamak.  Basta kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao huwag kang padadala. Sadyang maraming tao ang inggitero at tsismosa na gumagawa ng kuwento para siraan ang iba. Ang mahalaga ay patuloy na patunayan sa nanay mo na mali ang hinala ng ibang tao sa iyo.  Kausapin si nanay na hindi mo sisirain ang tiwala mo sa kanya. Para mapanatag ang kalooban niya.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

 

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: