Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sino ang Dapat Magpatali o Magpa-ligate?

• Siyempre babae. Kawawa naman ang ego ng lalaki kapag siya ang tinanggalan ng karapatang makabuntis. Mas ok pa rin ‘yung babae ang ma-ligate. Magkaiba kasi ang epekto nito sa lalaki at babae. Para bang mas nakakababa ang tingin sa lalaki kung hindi na ito nakakabuntis kahit pa sabihing may asawa na. – Raffy, La Union

• Lalaki dapat nagpapa-ligate o vasectomy. Kasi para kahit sino makadyugdyugan ko hahaha. Pabor ‘yun sa maraming lalaki na babaero. Hindi ka na makakadisgrasya kahit may pamilya ka na. Hahahaha. Wala na ring pwedeng maghabol na sinasasabing nabuntis mo. Kaya mas okey sa akin na lalaki ang magpa-ligate kesa sa babae. – Tristan, Caloocan

• Pareho dapat para fair. Hindi ko naman sinasabi na magsayang ng pera. Pero kasi ang pagpapatali ay hindi lang physical kung hindi maging sa emosyonal na aspeto ay makaaapekto ito sa taong magpapa-ligate. Kaya bilang suporta sa isa’t isa dapat magpa-ligate ang parehong lalaki o babae kung gusto talaga nila ng permanenteng hindi na magkaanak pa. – Jeremy, Cavite

• Hindi ako pabor sa ligation. Dapat natural lang na paraan ng contraceptive ang gamitin. Ang pagpapagalaw kasi ng katawan ng tao ay isang pagsuway sa utos ng Diyos. Hindi magandang ginagalaw ang katawan natin. Kung gusto nilang hindi makabuo eh ‘di pigilan nila. O kung talagang hindi kaya marami namang natural na paraan. – Richard, Batangas

•Dapat pinag-uusapan ‘yan. Kung sino ang may gusto sa mag-partner ang ma-ligate siya dapat ang magpatali. Wala dapat sapilitan. Dapat walang pwersahan sa pagitan ng mag-asawa para hindi ito pagmulan. Kung si misis ang payag eh ‘di go. Kung parehong may ayaw eh ‘di ‘wag gawin. – Eugene, Ilocos Norte

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: