Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sino ang Dapat Magpatali o Magpa-ligate?

* Limang babae ang anak namin sa kakahabol na magkaroon kami ng anak na lalaki ng mister ko. Ang mister ko mismo ang nagpresinta na siya ang magpa-vasectomy. Dahil ayaw niya na maranasan ko ang side effects ng pag-ligate. Yun lang. – Celly, Sta. Rosa

* Magpapatali lang ang lalaki nababawasan na agad ang pagkalalaki? Whee ‘di nga! Mabuti nga yun, para kung mag-sideline man sa iba hindi sila makakabuntis. Kawawa naman ang batang ipinapanganak out of wed lock noh. – Jane, Imus

* Wala na akong matris na payo ng doktor ko for health reason. Mas maganda dahil wala na akong monthly period. Pabor din sa mister ko dahil ayaw na naming magkaanak. – Ying, Manila

* Nasa pag-uusap ‘yan ng mag-asawa kadalasan lang ang mga misis ang naooperahan na isinasabay kapag last na ang panganganak dahil sa may edad na ang babae o problema. – San, San Mateo

* Hala may isyu ba kung babae o lalaki ang magpapatali? Ginagawa naman yan dahil sa health issue hindi dahil babae lang. May lalaki rin ang nagpapa-vasectomy na payo rin ng doktor. – Mai-Mai, Batangas

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: