Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pangalawang Anino (172)

KAHIT nagawa ­niyang sunugin ang kahoy sa labas ng bakuran ng simbahan at kumbento, frustrated pa rin si Yawan.

“Nakakasunog ang mga mata ko sa labas ng sagradong lupa ng Diyos nila. Pero dito sa loob, hindi ko magawa!”

“Ano ka ba naman, Yawan ... subukan mo uli!” Sulsol naman ni Yawanaya.

Tinitigan nga ni Yawan ang kumbento. Nag-concentrate. Nag-will na sumirit ang apoy na tatama sa bahagi ng kumbento. At ito ay masusunog na.

Pero napagod na lang sa pagku-concentrate si Yawan.

“Ayaw! Ayaw pa rin!”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Ang simbahan! Baka doon pupuwede ang mga apoy sa mga mata mo!”

Tinitigan naman ni Yawan ang simbahan.

Pero ganoon pa rin, hanggang sa napagod siya, hindi niya napag-apoy ang mga mata.

“Paano ko bablackmail-lin ang pari kung hindi ko makayang sunugin ang mga sagrado nilang lugar?”

Wala ring maisagot si Yawanaya. Hindi rin kasi niya alam ang solusyon.

SA LOOB ng kumbento, sinalubong nina Father Jose at Ariel si Angela.

“Angela!”

“Ano’ng nangyari sa iyo, iha?”

“Father! Nandidiyan po si Yawan saka ang pa­ngalawang anino. Gusto nila akong kunin! Pero hindi lang ho ‘yan ang problema ... narinig ko sa usapan nila na gusto nilang sunugin ang simbahan saka kumbento. Eh, nasusunog na nga ho ang higanteng puno sa labas.”

“Napatingin sa labas ng kumbento si Ariel at ang pari.”

“Totoo ang sinabi ni Angela, Father! Nagkakagulo ang mga tao sa labas dahil nasusunog ang higanteng puno sa labas ng bakuran natin!”

“Diyos ko! At kaga­ga­wan ito ni Yawan, ­Angela?” “Opo, sigurado po ako! Kasi po tumigil muna ako ng pagtakbo at narinig ko ang usapan nila. Ang gusto nga po sanang sunugin ni Yawan ay itong kumbento na. Pero hindi niya nagawa. Kaya ‘yung puno sa labas ang sinunog niya, doon, umubra ang kanyang maitim na kapangyarihan!”

“Wala tayong dapat ikatakot kung ganoon. Protektado tayo ng Diyos. Pero hindi naman puwedeng ang sa labas ng kumbento at simbahan ay wawasakin ni Yawan. Hindi ko maintindihan ... bakit nagkakaroon ng demonya dito sa ating lugar.”  - ITUTULOY

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: