Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bagets na Tattoo Artists

Grabe na ‘to!

 Kung marami pa rin sa mga Pinoy na ang tingin sa tattoo ay marumi at para lang sa mga preso at masasamang tao. Ibahin n’yo ang dalawang bata na tattoo artists.

Hindi tulad ng ibang 12-year-old na kabataang makikitang nakatutok sa computer games o gadgets, si Ezrah Dormon mula Panama ay busy na sa pagta-tattoo ng kanyang mga kliyente. Sa murang edad ay popular na si Ezrah at isa na siya sa mga popular na tattoo artists sa buong mundo. Ang kanyang career ay nagsimula sa panonood sa Honolulu owner na si Ali Garcia habang nilalagyan ng tattoo ang kanyang ina.

Ang pinakabata namang tattoo artist ay ang batang si Ruby. Sa edad na apat pa lang ay binigyan na siya ng kanyang tatay ng toy kit at nagta-tattoo lessons sa shop ng kanyang tatay pagkatapos ng kanyang araw sa nursery school.

Sa ngayon ay malapit nang makabuo ng sarili niyang version si Ruby ng paborito niyang design na gagamba.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: