Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kailan ang iyong ‘Universal Day’?

Tatlong beses kang sinusuwerte sa iyong buhay. Iyon ay tuwing sasapit ang iyong universal day; birthday at kapag tumapat ang universal day sa iyong birthday.

Universal day

Ito ang araw kung kailan ibibigay sa iyo ng universe ang lahat ng klase ng suwerte. Kumbaga, makikiisa sa iyo ang kalikasan para suwertehin ka. Paano mo malalaman kung kailan ang iyong universal day?

1. Alamin muna ang iyong Life Path Number. Kuwentahin ang suma total ng iyong birthday. Halimbawa, ang birthday mo ay March 7, 1988 (3 + 7 + 1 + 9 + 8 + 8 = 36; 3 + 6 = 9). Ang life path number ay 9.

2. Kuwentahin ang suma total ng kasalukuyang petsa. Kapag ang suma total ay naging 9 ( kapareho ng life path number), iyon ang iyong universal day. Dalawa o tatlong beses per month dumarating ang universal day.

Birthday

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Halimbawa ay 7 ang iyong birth date, ibig sabihin, lucky day mo tuwing sasapit ang petsang 7 ng kahit anong buwan.

Kombinasyong Universal Day at Birthday

Ayon sa numerology, ang pinakamasuwerteng araw ng isang tao ay kapag tumapat ang iyong UNIVERSAL DAY SA MISMONG BIRTHDAY MO. Halimbawa nagdiwang ng birthday ang aking kakilala noong August 8, 2017. Ang araw na iyon ay may suma total na 8. Ang kanyang birthday na August 8, 1990 ay may life path na 8. Kaya noong Martes ay luckiest day niya. Nauulit ang ganoong suwerte tuwing ika-9 na taon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: