Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sintomas ng Takot na Mabigo

Maaaring nararanasan ang ilang sintomas ng sign ng fear of fai­lure.

Kapag atubili na su­­bu­kan ang bagong bagay o sumali sa isang nakahahamon na pro­jects.

Feeling na masasa­botahe ang gagawin o goals dahil sa sobrang pag-aalala, pu­malpak, o mabigo sa gus­tong ga­win. 

Mababa ang self-con­­fidence o self-esteem na kadalasan ay nagdadahilan ng negatibong pag-iisip na hindi niya deserve, hindi siya ma­galing, o hindi smart para makasama sa team.

Perfectionism na willing lang gawin ang bagay na kabisado na tinatapos ng perpekto at matagumpay.

Ang failure ay depende kung paano ito titingnan. Imposibleng sa buhay na hindi makaranas na mabigo. Ang failure ay hindi dapat nagiging hadlang kundi magsisilbing hamon na pagbutihan ang susunod na gagawin para matuto.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: