^

Para Malibang

Pangalawang Anino (153)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NGUMISI naman si Yawan sa suhestiyon ni Alona. “Aba, magandang ideya, Inay. Bakita nga ba hindi tayo magpakayaman tapos nakakapaghiganti pa?””

“Ano’ng ibig mong sabihin, Yawan?” Kinakabahang nagtanong si Roger.

“Ang anak ninyo sa una, Nanette ... dikit na dikit na sila ngayon sa lalaking gustung-gusto ko, si Arturo.”

“O ngayon, pabayaan mo sila. Sila naman talaga ang magkasintahan. Inagaw mo lang si Arturo kay Nanette.”

“At inagaw din ni Nanette si Arturo sa akin, peste kong ama! Kami na sana ni Arturo pero pumapel pa siya! Kaya dapat lang parusahan ko si Arturo, di ba maykaya naman yang sina Arturo dahil nalaman ko na malaki ang lupain nila na hinog na ngayon ang mga palay?”

“Ano’ng balak mo, Yawan? Dapat makapaghiganti ka sa kanila pero may katumbas ding pera! Para maiba naman ang buhay natin. Puwede namang maging mga demonyo na mayaman, ‘di ba? Bagay nga ang yaman sa kademonyohan, tama?”

Nanggigil si Roger kay Alona. Hindi nakapagpigil ng galit, biglang sinunggaban ang leeg ng kabit.

“Tigil na sabi sa kasusulsul sa anak mo na sina Nanette ang mapapahamak!”

Bigla na lang nagliyab ang kamay ni Roger na nakasakal sa leeg ni Alona.

“AAAAAHHHH!” Napasigaw si Roger.

Nabitiwan niya ang leeg ni Alona.

Umuusok pa ang kamay ni Roger, masakit na masakit pa rin.

“Hindi ba sabi ko sa susunod na magpapasaway ka, aking amang walang kuwenta, masasaktan ka na? Pasalamat ka konting apoy lang ang pinatikim ko sa iyo! Kundi baka naagnas na ang kamay mo! Huwag na huwag mo nang sasaktan si Inay, ha?”

Napatiim-bagang na lang si Roger.

“Sagooot!” Sinigawan siya ng anak na demonya.

Napilitang tumango si Roger, nagkaroon ng takot.

Saka nakangising hinarap ni Yawan si Alona. “Kakausapin ko ang Itay ni Arturo. Kahit kaharap si Arturo, gagawin ko ‘yon . Sasabihin ko sa kanila na kapag hindi sila nagbigay sa atin ng isang daang libo, susunugin koang ikatlong bahagi ng palayan nila! Alam ko naman na maa­ring hindi sila magbibigay dahil hindi sila maniniwala na kaya kong gawin ‘yon. Susunugin ko kaagad ang bahagi ng palayan nila para mapatunayan ko sa kanila na talagang mapanganib ako. Kaya lahat na hihilingin ko sa kanila ay kailangang masunod!” Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with