^

Para Malibang

Utol Hindi Mapanagutan ang Anak sa Labas

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ka-chat ko sina nanay at tatay nung isang gabi, biglang nakita ko na may tumakbong bata sa likod nila. Nalaman ko na anak ito ng kapatid kong lalaki sa ibang babae. Wala ang nanay ng bata na nagtatrabahong domestic helper sa Dubai. Kaya kinuha ng utol ko ang bata sa pamilya ng GF niya. Pero naaawa naman ako sa nanay at tatay ko na pareho nang sakitin at hindi na kayang mag-alaga ng bata. Hindi rin naman maalagaan ng utol ko ang isa pa niyang anak sa labas dahil may kinakasama rin siya na hindi naman din niya asawa. Ang gulo ‘di ba ang sakit sa bangs. Kailan kaya titino ang utol ko sa pambabae niya. Wala na ngang natitira sa suweldo niya, nakuha pang mambuntis ng ibang babae.  Hindi naman kayang alagaan, kaya nga niya itinatago sa bahay ng magulang namin. Paano ba gagawin sa utol kong ubod ng babaero na wala sa lugar? – Balong

Dear Balong,

Kawawa ang bata na walang kasalanan na lumalaking hindi kasama ang nanay na napipilitan mag-abroad na hindi rin kayang panagutan ng utol mo. Kausapin ang utol mo na ibalik na lang sa pamilya ng babae ang anak niya dahil matanda na ang magulang ninyo. Doon na lang niya dalawin ang bata o pwedeng kumuha kayo ng yaya. Para maaliw din ang magulang nyo.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with