^

Para Malibang

Kailangan bang Bigyan ng Cell Phone ang Anak?

ANGAS NG BAE - Mitchelle L. Palaubsanon - Pang-masa

• Depende sa edad ng bata ‘yan. Dapat kapag tumuntong na ng high school at saka lang puwedeng bigyan ng cell phone ang mga bata. Hindi naman kasi kailangan ng bata talaga ang cell phone. Noong kabataan ko nga nabuhay kaming walang cell phone na ginagamit eh. Panira lang sa pag-aaral ng mga bata ang cell phone na ‘yan. – Larry, La Union

• Sa panahon ngayon importante na ang cell phone sa mga bata. Maaari kasi nila itong gamiting pantawag sa mga magulang o tagapangalaga nila. Kung may problema rin mas madaling makakakontak sa mga magulang. Tulad ko na single parent, mas kampante ako na may dalang cell phone ang anak ko para alam ko kung nasaan siya. Natatawagan ko kahit ano’ng oras. – Rey, Makati

• Naku, walang cell phone dapat ang mga bata. O kung magkakaroon man sila ay dapat sa sariling bulsa nila manggagaling. At ‘yung basic phone lang ang pwede. ‘Yung mga anak ko, basic phone lang ang gamit pero pagtuntong pa nila ng kolehiyo sila nagsipagbili kasi mas malayo na ang lugar na pinag-aaralan nila. – Lito, Cebu

• Pabor ako sa pagkakaroon ng cell phone ng mga bata pero may limitasyon ang paggamit. Pwede naman maging child-friendly ang mga gadget para hindi maging sagabal sa kanilang pag-aaral. O kaya naman pwedeng i-child lock ang phone sa mga sites na hindi pwede sa bata. Kung binata o dalaga naman na ang anak, dapat ay payuhan ang mga ito sa tamang paggamit ng CP.

                                                         – Arnold, Davao

• Hindi ako pabor d’yan. ‘Yung anak kasi ng kumpare ko nabuntis agad eh grade 6 pa lang. Kaaga-aga kasing binigyan ng mga gadget, ayun maaga rin lumandi sa Facebook. Kaya ako hindi pwede ang cell phone sa tatlong mga dalaga ko. ‘Pag nagtrababo na lang sila at saka sila mag-cell phone. – Gabo, Pampanga

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with