^

Para Malibang

Pangalawang Anino (152)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa
Pangalawang Anino (152)

Kris Aquino

SHOCKED si Roger sa bagong itsura ng anak. “Isa ka nang tunay na ... demonyo?”

“Tunay na demonyo rin ako noon, may bagong look lang ako. At gustong-gusto ko ito! Bakit, natatakot ka?”

“Yawan, tao ka hindi ka demonyo, anak! Bumalik ka sa pagiging tao, magbago ka! Nagkamali kami ng ina mo sa pagtira noon dito sa Itom! Ginawa ka lang nilang kasangkapan sa mali nilang paniniwala!”

Galit na tinitigan ni Yawan si Roger.

May dalawang linya ng apoy mula sa kanyang mga mata ang lumabas at halos tumama sa ulo ni Roger.

Nayanig si Roger.

Naramdaman niya ang sobrang init na lumampas sa kanya.

Ngumisi si Yawan. “Sa susunod patatamaan ko na ang mukha mo! Para masunog ka! Alam mo ba ang pakiramdam ng tinutupok ng apoy, ha?”

“Anak, ano nga pala ang nangyari? Sabi nasunog daw kayo ni Tagapag-alaga pati siyempre iyang si Yawanaya. Ang iyak ko nga, e. Akala ko talaga nawala ka na.” Tanong ni Alona.

“Hindi naman kami mamamatay, Inay. Nagta-transform lang.”

“Kidlat nga ba ang dahilan ng pagkasunog ninyo?”

“Oo. Kidlat na gawa ng kalikasan. Pero kapag makapangyarihan ang tinamaan ng kidlat at nasunog ... ganito ang nangyayari. Transformation lang. Nag-iba lang ang itsura. At nadadagdagan ng lakas at kapangyarihan. Kontrolado ko na rin ang apoy.”

“Ano’ng ibig mong sabihin, Yawan?” Kabadong nagtanong si Roger.

“Puwede kong sunugin sa pamamagitan lamang ng titig ang kahit anong bagay at tao. Grabe, ‘di ba?”

“Mas mapanganib ka na!” Lalong nayanig si Roger.

“Ako rin, mas mapanganib!” Sumingit si Yawanaya.

Excited si Alona. “Bakit anak kong anino, ano na ang nagagawa mo?”

“Kaya ko na ring manunog gaya ni Yawan!”

“Yesss! Puwede na kayong mam-blackmail ng mga mayayaman na may bahay, building, sasabihin n’yo lang na susunugin ninyo ang mga ari-arian nila sa pamamagitan ng titig, pag di naman sila nagbigay ng milyones sa atin!” Humalakhak si Alona.”

“Alona, hindi ka ba kinikilabutan?” Halos hindi na makapaniwala si Roger sa tinatakbo ng utak ng kabit.

ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with