^

Para Malibang

Ano ang Tamang Edad sa First Date?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

• Hindi naman na kelangan itanong ‘yan sa lalaki. Para sa akin walang tamang edad sa lalaki kung kailan puwedeng makipag-date. ‘Pag tinubuan na ‘yan ng bigote okay na sumabak ang lalaki sa bakbakan. Hahaha. Ang binata ko pa nga ang pinipilit kong makipag-date eh? Para kasing puro libro na lang ang hawak, magkokolehiyo na wala pa rin girlfriend. Eh noong kabataan ko Grade 6 pa lang naka-3 na ako. – Ricky, Pasay

• Kung babaeng anak ang pag-uusapan, ang tamang edad para makipag-date ay edad na naka-graduate na siya sa kolehiyo. Wala akong paki kung ano’ng edad ‘yun basta dapat nakapagtapos na siya ng college para naman hindi masayang ang pinagpaguran at pinaghirapan naming magulang niya. Wala pa akong anak pero ‘yun ang nasa isip ko. ‘Yung kapatid ko nga at saka lang pinayagan makipag-date noong magkatrabaho siya eh. – Nick, Cebu

• First date, friendly date lang dapat. Hindi muna romantic date ‘yun. Walang edad na tama, basta sa tingin mong mature at ready ka na makipagkilala sa iba ay okay lang ‘yun. Ang date naman kasi hindi lang pang magdyowa, pwede rin sa pakikipagkilala at pakikipagkaibigan. Date muna bilang magkai­bigan ang dapat unahin bago ang landian. – Ferdie, Bulacan

• Para sa akin ang pakikipag-date ay isang natural na paraan ng pakikipagkilala at pakikisalamuha sa ibang tao kaya wala dapat itong edad kung kailan pwedeng makipag-date. At saka nasa 2017 na tayo, at ang isip ng millennials ngayon ay hindi na rin angkop sa lumang pag-iisip ng mga tao noong 90’s. Kaya dapat tanggapin ng mga magulang ngayon at ng ibang tao na ang bagong henerasyon ay hindi na tulad noon na sobrang conservative, no! – Billy, Makati

• Legal age dapat. Edad 18 ang safe age para sa akin para makipag-date. Kasi nga naman, wala nang pakialam ang magulang sa anak niya kung nasa legal na itong edad. Kaya habang nasa pa­ngangalaga ng magulang ang anak dapat eh hindi muna nakikipag-date. At saka bata pa nga ang 18 eh, dapat kapag nakatapos na lang sa pag-aaral. – Nico, Isabela

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with