^

Para Malibang

Sexual Harassment sa Lalaki

MAINGAT KA BA!? - Miss 'S' - Pang-masa

Kadalasan, kapag narinig natin ang sexual harassment, ang naiisip natin ay isang babaeng hina-harass ng lalaki.

Pero, puwede rin namang ma-harass sexually ang isang lalaki base sa anti-sexual harassment law R.A. 7877.

Dominant species kasi ang mga lalaki kaya hindi natin agad maiisip na puwede palang ma-harass ang isang lalaki. Mangyayari ito kung ang lalaki ay ‘weak.’ 

Kasali sa pambabastos o sexual harassment, ang anumang di-katanggap-tanggap na mahalay na paggawi—kasama na ang paghipu-hipo o maging ang pagsasalita ng malaswa. Pero kung minsan, mahirap makita ang pagkakaiba ng pagbibiro, pagpi-flirt, at pambabastos.

Ang sexual harassment ay puwedeng gawin ng taong may posisyon sa kanyang subordinate kaya puwedeng gawin ng babae sa isang lalaki ang pangha-harass.

Puwede ring ma-harass ang babae ng kanyang kapwa babae  na superior sa kanya at lalaki ng kanyang kapwa lalaki na nakatataas sa kanya.

Marami na tayong naririnig na report ukol sa sexual harassment ng isang lalaki sa babae pero hindi tayo nakakabalita ng lalaking naha-harass. Maaaring madalas itong nangyayari  ngunit walang nagre-report na lalaki dahil posibleng ayaw malagay sa kahihiyan.

Maaaring may nangyayari ring pangha-harass ng lalaki sa kapwa lalaki at babae sa kapwa babae ngunit mas pinipili na lamang ng mga biktima na itikom ang bibig.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with