^

Para Malibang

Pinakamaliit na Nabubuhay na Aso

Pang-masa

Grabe na ‘to!

Kung paliitan ang pag-uusapan, hindi rin patatalo ang mga napaka-cute na aso. Ang pinakamaliit na aso na may hawak ng record ng Guinness World Record for the ‘World’s Smallest Living Dog (by height) ay isang yappy short-coat Chihuahua.

Si Ducky ay may bigat na 1.4 pounds at taas na 4.9 inches lamang ay mula sa Charlton, Massachusetts, USA.

Halos hindi makalakad si Ducky dahil sa liit ng mga paa nito at hindi makaya ang bigat ng kanyang katawan. Kailangan pa itong alalayan ng kanyang amo para lang makapaglakad. Ang ulo ni Ducky ay halos kasinlaki lang ng baseball ball.

Ang sumunod naman sa kanya sa listahan ay si Danka Kordak mula sa Slovakia. Isa rin itong Chihuahua na may taas namang 5.4 inches.

Ang pinakamaliit namang naitala sa buong kasaysayan ayon sa Guinness ay isang dwarf Yorkshire terrier na may taas lamang na 2.8 inches.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with