^

Para Malibang

Pangalawang Anino (94)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI matanggap ni Sheila ang sinabi ng hepe. Walang bangkay, baka walang krimen.

“May krimen, Hepe! Nasaksihan ni Arturo ang pagpatay kay Inang Maria! At nakita naman ng mga taga-ospital ang bangkay, ang pagkawala nito mismo sa kanilang mga mata.”

Namilog ang mga mata ng hepe, napatingin sina Nanette sa direksiyon ng tinitingnan nito.

“Nakikita n’yo ba ang nakikita ko? O ... kababalaghan na naman ito?”

 Sabi ng hepe.

Nakikita na rin nina Nanette ang nakikita ng hepe

“Inang Maria?!”

Buhay na buhay si Inang Maria nakatayo halos sa harapan nila.

“Ano bang kaguluhan dito? Hinahanap daw ako ... ang aking bangkay? Pinag-uusapan ako, bakit ba? Ano ang dahilan?”

“Buhay kayo? Paano kayong nabuhay? Nakita kong pinatay kayo ni Yawan. Dinala ko kayo dito sa ospital na wala nang pulso at pintig ang puso!” Hindi magkandatuto sa pagtanong si Arturo.

“Pinatay ka nga raw, Inang Maria. At nawala ang iyong bangkay sa harap mismo ng mga pa­ningin nila.”

“Ano ba ang mga pinagsasabi ninyo? Nakikita n’yo naman siguro na buhay na buhay ako.”

“Pero Inang Maria, imposible! Gusto akong patayin ni Yawan kanina, dumating kayo, tinulungan n’yo ako. Pero tinraydor kayo ni Yawan, kung kailan akala ninyo totoo sa loob niya ang paghingi ng tawad, saka niya kayo sinugod at nilaslas ang inyong leeg.”

Napailing-iling si Inang Maria. “Arturo, hindi kaya ... malikmata ‘yon? Hindi ka dapat maniwala doon. Ngayon kayo dapat maniwala ... na buhay ako. Nandidito sa harapan ninyo. Walang galos, walang sugat.”

Dudang napatingin na tuloy sina Sheila at Nanette kay Arturo.

“Ano ba ito, Arturo? Hindi kaya pinaglaruan lang ni Yawan ang mga mata mo?”

“A-aywan ko ... hindi ko na alam kung ano ang totoo.”

“Lintek ... sa susunod, Arturo ... tiyakin mo muna na hindi ka namalikmata, kung namalikmata ka nga! Nagkagulo tayo, wala naman palang pinatay!”

“Hepe, hindi pa naman ho natin sigurado kung malikmata nga ang nakita ko, may mali ho sa mga nangyayari ngayon ...” Dudang nakatingin si Arturo kay Inang Maria na buhay. -  ITUTULOY

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with