^

Para Malibang

Pangalawang Anino (90)

PANGALAWANG ANINO - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HINDI po ako nakainom, Hepe. Doon sa pagkamatay ni Inang Maria, ako lang ang nakakita. Pero noong naging bangkay na siya at nadala ko sa ospital, marami na ang nakakita sa kanyang bangkay. Sina Nanette at Aling Sheila. Mga doktor, nurse, mga hospital attendants. Kahit mag-imbestiga kayo sa ospital. Nayanig kaming lahat sa parang pagkatunaw ng katawan ni Inang Maria.” Mahabang kuwento ni Arturo.

Sumuporta si Nanette. “Hepe, totoo po ang sinabi ni Arturo.”

Sinuri ng tingin ng hepe si Nanette.

“Ang kaso, Nanette, medyo duda ako kapag nagsasalita ka. Kasi mahaba-habang panahon na rin na naalis ka sa pagka-teacher dahil kung anu-ano ang mga pinagsasabi mo. Mga istudyante rin ang mga anak ko sa ating paaralan kaya alam ko ang kuwento tungkol sa iyo.”

Si Sheila ang galit na sumagot. “Hinusgahan n’yo na kaagad ang anak ko dahil lang sa mga sabi-sabi? Paano kung sasabihin ko sa inyo na totoo ang mga pinagsasabi ng anak ko. Merong kampon ng demonyo, anak nina Roger at Alona, Yawan ang pangalan, siya ang nagpaparusa sa anak ko kahit walang kasalanan si Nanette.”

Buntong-hininga ang hepe. “Siyempre ang nanay, kung ano ang sasabihin ng anak, doon papanig. Sheila, alam kong masakit na iniwan ka ni Roger nang dahil kay Alona pero sana, idiretso mo utak mo. Para magkaintindihan kaagad tayo dito.”

“Siguro bago kayo magsalita nang ganyan, sumama muna kayo sa amin sa ospital. Gawan ninyo ito ng imbestigasyon. Paano kung totoo ang sinabi namin? De may isang kriminal kayong pinaligtas?”

“Ni hindi ko nga kilala ang anak na ito nina Roger at Alona, e. At dito ba talaga sila nakatira sa ating barangay? Hindi ba nang nagtanan ang dalawang iyon at hinabol ng itak ng mga kaanak mo, Sheila ... sa Itom sila nagpunta at doon na nanirahan?”

“Totoo ‘yan, Hepe. At kayo naman ang tatanungin ko, bakit hindi kayo noon pumunta sa Itom para hanapin ang asawa ko at ang kanyang kabit samantalang nakiusap sa inyo ang buo naming angkan? Hindi kaya dahil takot kayo sa Itom dahil naniniwala kayo na may mga kababalaghan ng mga demonyo ang lugar na ‘yon?”

Hindi kaagad nakasagot ang hepe. Halatang natumbok ni Sheila ang totoo.

“Hindi ko naman sinabing hindi kami mag-iimbestiga sa ospital, Sheila. O siya, tena doon!” Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with