^

Para Malibang

Misteryo ng Petals sa Lipa

MRYOSO - Pang-masa

Maraming pangyayari ang hindi maipaliwanag at dahil isang relihiyosong bansa ang Pilipinas ay marami rin tayong tinatawag na himala.

Isa na rito ang naranasan ng noo’y 21-anyos na si sister Teresita Castillo taong 1948. Isa ito sa pinakakontrobersyal na Marian apparition sa kasaysayan ng bansa at naganap sa loob ng Carmelite Monastery of Lipa. Ang nasabing himala ay niyanig ang simbahang Katoliko.

Ayon sa kuwento, nagdarasal umano sa convent garden si sister Teresita nang isang magandang babae na nakasakay sa ulap ang biglang sumulpot kunsaan. Nakadamit ang babae sa puting tela at sa kanyang kamay ay may hawak siyang ginintuang rosaryo. Nagpakilala ang babae na siya si Lady Mediatrix of All Grace.

Ilan lamang sa fifteen apparitions na naganap simula noon ay ang pag-ulan ng mabangong petals kung saan may imahe ni Hesus, Maria, at iba pang biblical scenes.

Dahil sa negative publicities at kritisismo ay napilitang umalis si sister Teresita sa kumbento taong 1950. Sa inisyal na imbestigasyon ay na-dismiss ng simbahan na hindi umano ito isang himala. Pero ang kaso ay muling binuksan noong 1991 nang isang obispo ang umamin sa kanyang deathbed na pwersahan lang siyang pinapirma sa isang agreement. Taong 1992 ay ni-lift ni Msgr. Mariano Gaviola, arsobispo ng Lipa noon, ang ban at pinayagang i-display ang imahe ng Lady Mediatrix of All Grace.

Taong 2010 naman, nag-release ang kasalukuyang arsobisbo ng Lipa ng deklarasyon na sinasabi ng Vatican na ang 1948 apprations ay hindi himala. At hanggang ngayon ay nananatiling palaisipan ang mga petal ng roses na may imahe.

Ano sa palagay n’yo?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with