Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pangalawang Anino (85) Gilda Olividado

KATRAYDURAN ang isa pang kata­ngian ni Yawana. Kapag kinaaawaan, saka susugurin ang kalaban. At siya ay napakabilis kapag sagad ang galit. At ang hangaring pumatay. Bago pa nakakurap sina Inang Maria at Arturo, natusok na ng mga matatalas na kuko ni Yawana ang dibdib ng banal na matanda.

Tumagos ang mga ito sa puso. At nang bitiwan ni Yawan ang dibdib ni Inang Maria, wala na itong buhay na bumagsak sa lupa. Nayanig si Arturo. 

“Pinatay mo siya! Pinatay mo siya kahit pinatawad niya ang buhay mo! Napakawalang puso mo pala talaga!”

Ngumisi lang si Yawan. Nakaramdam siya ng sobrang lakas.

Nang superiority ng kanyang kapangyarihan. Nang mapatay niya ang matandang banal ay natuwa ba nang husto sa kanya ang panginoon ng kadiliman?

“Hindi na pala kita kailangang patayin, Arturo! Dahil mas malakas na ako ngayon! Talo ko na ang kapangyarihan ng tubig na banal! Patay na ang pinanggalingan nito!”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Sino na naman ang balak mo ngayong saktan o patayin?”

Nagdiwang ang mga pulang mata ni Yawan. “Sino ba sa akala mo? Hulaan mo nga ...”

“Oras na ginalaw mo si Nanette, tayo ang maglalaban, Yawan!”

“Ano naman ang panlaban mo sa akin? Ang mineral water mo? Hindi ka tulad ni Maria na kayang gumawa ng panlaban sa amin, Arturo!”

At mabilis nang tumakbo si Yawan, kasunod ang kanyang mga anino. Nagtatawanan sina Yawan at pangalawang anino.

Lumung-lumo namang dinaluhan ni Arturo ang banal na matanda. “Inang Maria ...”

Binuhat niya ito para madala pa rin sa ospital. Magbabaka-sakali pa rin siya na baka magkaroon ng himala at mabubuhay ang alagad ng puwersa ng Mabuting Diyos.

Nakarating sa ospital si Arturo pero idineklara nang dead on arrival si Inang Maria.

Tinawagan niya sina Nanette. Umiiyak na dumating si Nanette, kasama ang ina at mga kapatid.

“Ano ang nangyari, Arturo?”

“Gusto niya akong patayin, Nanette. Pero dumating si Inang Maria at iniligtas ako. Ang kaso, si Inang Maria naman ang pinatay ni Yawan. Mas makapangyarihan na ngayon ang half-sister mo at ... nanganganib ka!” ITUTULOY

 

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: