^

Para Malibang

Yoga sagot sa anxiety

MOVE ON NA TEH! - Miss Violet - Pang-masa

Ang anxiety ay ang matinding emos­yon na puwedeng dahil sa galit, panic, pressure, at kawalan ng balanseng pag-iisip dahil sa mga samu’t saring problema mula sa personal na buhay, trabaho, at iba pa.

Ang yoga ay isang paraan para mabawasan ang stress na hindi maiiwasan sa araw-araw na nakatutulong sa healing ng nararanasang anxiety.

Ang yoga kasi ay  hindi lang patungkol sa tama at perfect na pose o pagkakaroon ng best balance. Ang yoga ay isang paraan na magkaroon ng connection sa iyong sarili.

Ang yoga ay isang klase ng exercise na nagtuturo na humingang muli, magkaroon ng life,  at  mag-relax sa gitnang stressful na palagid.

Kasi naman paggising pa lang sa umaga ay  nagmamadaling kumilos sa rami nang gagawin na-distract agad ng mga kaliwa’t kanang tensiyon. 

Samantalang ang yoga ay pagpapaalala na maghinay-hinay na mayroon kang kaluluwang nangangailangan ding busugin at pangalagaan.

Ang isang effective na sinasabing restorative pose ay ang paghiga ng deretso habang nakataas ang mga binti at paa na nakasandal sa wall o dingding. 

Prente dahil para ka lang nagpapahinga. Kailangan lang ng 5 minutes na may benepisyo agad sa puso na mararamdaman ang natural rhythm sa iyong paghinga at pagkalma na maganda sa kalusugan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with