^

Para Malibang

Natatakot sa pangako

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Piechy, 19, isang college student. May nobyo ako na 10 years ang tanda sa akin na nasa sales office ang work. Napakabait niya sa akin at maging sa pamilya ko. Pero may nabalitaan ako na may asawa na siya. Hindi niya ito sinasabi sa akin. Nung una hindi ko pa naman siya matanong dahil maganda ang relasyon namin. Madalas kaming kumain sa labas at masaya ang samahan namin. Nang tanungin ko siya kung totoo ang tsismis, natigilan siya. Sabi niya nag-abroad na ang kanyang asawa at wala na sila. Pangako niya magiging maganda ang aming pamilya basta magtiwala ako sa kanya. Pero natatakot ako sa kanyang pangako. Nag-iisip ako ngayon. Dapat ko bang ipagpatuloy ang ­aming relasyon.

Dear Piechy,

Huwag kang padalus-dalos. Saan mang anggulo tingnan, may asawa pa rin siya na puwedeng maghabol. Mag-imbestiga ka muna sa tunay niyang pagkatao. Marahil puwede mo siyang tanggapin kung annulled o napawalang bisa na ang kasal niya sa kanyang asawa. At kung makipag-divorce man ang babae sa abroad, hindi iyan kinikilala sa batas natin. Mahirap makipagrelasyon sa may asawa o hiwalay sa asawa dahil may mga hindi inaasahang conflicts na bigla na lang susulpot. Bata ka pa kaya marami ka pang time para mag-isip-isip.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with