^

Para Malibang

Support system para sa inaabusong kababaihan

Pang-masa

Kung buo ang loob na manatili sa kinakasamang abusadong partner. Kaila­ngan pa ring laging handa para sakaling umatake upang maprotekhan ang sarili at ang mga anak.

Support – Humingi ng tulong sa malapit na DSWD sa inyong lugar. Nagbibigay sila ng emotional at moral support sa mga kababaihang biktima ng pang-aabuso. Lalo na kung ang desisyon nito  ay umalis sa poder ng kinakasama. Ipaalam din sa iyong magulang at kamag-anak ang masaklap mong problema. Para makatulong at makapagbigay sila ng suporta. Mas kailangan ng mga battered women ang support system kaya dapat silang bigyan ng anumang tulong. Puwedeng tumawag ang mga kapitbahay o kaibigan ng barangay o pulis sa oras na binubugbog ito ng kanyang partner.

Activity – Hanggang pinapayagan kang umalis ng bahay ng partner. Gawing  busy ang sarili sa ibang activities sa labas ng bahay. Isama rin ang mga anak. Hayaan silang sumali sa mga liga o maglaro kasama ang kanilang mga kaibigan sa labas ng inyong tahanan.

Positibo – Magkaroon ng positibong pananaw para sa sarili. Be kind to yourself. Gawin pa rin ang mga bagay na gusto at ikasasaya mo. Labanan ng positibong pag-iisip  ang lahat ng ipinupukol na negatibong salita ng iyong partner.

Maaaring takot ka pang umalis at iwan ang kinakasama. Hindi mawawala na maisip na baka rumesbak ang abusadong  partner. Pero dapat ay may nakahandang numero ng kaibigan na matatakbuhan. Siguraduhin na hindi ka masusundan kapag dumating ang oras na umalis ka na sa kanyang poder.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with