^

Para Malibang

May lalaki si misis

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa akong barbero. Late akong nakapag-asawa dahil pinagtapos ko muna sa kolehiyo ang dalawa kong kapatid. Ngayong may pamilya na sila at maayos na trabaho ay ang sarili ko namang kaligayahan ang aking hinarap. Pero sa halip na ligaya ay mabigat na problema ang idinulot sa akin ng pagpapakasal ko sa isang mas bata sa akin. Tatlong taon pa lang akong kasal at ang asawa ko ay 21 years old lang nang pakasalan ko. Kaso, may naririnig akong mga pangit na balita. May lalaki raw ang misis ko. Hindi ko pa ito nakukumpirma pero may hinala ako na niloloko nya ako. Minsan o dalawang beses isang linggo ginagabi siya ng uwi. Kapag tatanungin ko ay galing lang daw siya sa kaibigan. Buntis siya ngayon at nangangamba ako na baka sa ibang lalaki ito. Ano ang dapat kong gawin? - Elmo

Dear Elmo,

Kausapin mo nang masinsinan ang misis mo para malaman ang katotohanan. At kung duda ka sa mga sasabihin n’ya, ikaw na mismo ang tumuklas kung niloloko ka nga niya. Sakaling totoo, ihanda mo ang iyong sarili at magpakahinahon. Sadyang may mga pangyayari sa buhay ng mag-asawa na susubok sa katatagan ng pagsasama. Nasa sa’yo pa rin kung tatanggapin mo siya. Ang marital infidelity ay isang matibay na ground para mapawalang-bisa ang kasal. Kung mapatunayan mo ito, puwede kang mag-file ng annulment, ito’y sakaling magdesisyon kang hiwalayan siya.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANG

ANO

BUNTIS

DEAR ELMO

DEAR VANEZZA

ELMO

ISA

KAPAG

KASO

KAUSAPIN

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with