^

Para Malibang

Inaalok ng live-in

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako si Bea, 30, at isang manikurista. May dati akong ka-live-in. Nagmahalan kami pero nang mabuntis ako, iniwan na lang nya ako. Ngayon ay 4-yrs. old na ang anak ko. Sinisikap ko siyang itaguyod mag-isa at ang pagma-manicure lang ang aking alam na gawain. Mayroon akong regular na customer dito sa beauty parlor na pinapasukan ko. Matandang binata siya at negosyante. Sabi niya, ituturing niyang tunay na anak ang anak ko kung papayag ako sa gusto niya na magsama kami. Parang gusto ko sa proposal niya. Malaki ang maitutulong niya sa aking pagtataguyod sa aking anak. Ano sa palagay mo, papayag ba ako sa gusto niya?

Dear Bea,

Kung live-in na naman ang papasukan mo, mag-isip ka. Nabigo ka na minsan, baka maulit na naman. Kung talagang gusto ka niya, hamunin mo siyang magpakasal. At least kung talagang ang future lang ng anak mo ang habol mo kung kasal ka, may karapatan ka sa kayamanan niya. Pero tandaan mo na kung iyan lang ang dahilan ng pagpapakasal mo, hindi magandang rason yan. Ang kasal ay sagrado at kailangang pag-ibig ang matibay na dahilan sa pagpasok dito.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

ANG

ANO

BEA

DEAR BEA

DEAR VANEZZA

KUNG

MALAKI

MATANDANG

MAYROON

NIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with