^

Para Malibang

Hindi malimutan ang ex-bf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po ay may edad na, pero virgin pa. Wala akong trabaho at dalaga pa. Nakapisan ako sa aking mga magulang na matatanda na rin at kapatid na bumubuhay sa amin. Minsan na akong umibig pero niloko lang ako ng nakarelasyon ko. Nagdahilan siya na makikipagkalas nang tumanggi akong makipag-sex sa kanya. Nabalitaan ko na nag-asawa na siya at masaya sa piling ng kanyang mga anak. Hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapag-move-on kahit mahigit tatlong taon na ang nakakaraan. Mabigat pa rin po ang nararamdaman ko at madalas po akong umiyak. - Missy

Dear Missy,

Tama lang ang ginawa mo na hindi ipinaubaya ang pagkababae sa bf mo. Kung nilayuan ka ng lalaki dahil ayaw mong ibigay ang pakadalaga mo, hindi ikaw ang nawalan kundi siya. Kahit umabot ka sa edad na lampas sa 30 hindi pa huli ang lahat at batid kong maraming lalaki riyan ang hahanga sa iyo dahil bihira na ang mga babaeng nagpapahalaga sa kanilang virginity. Sa ngayon ay sikapin mong makahanap ng trabaho sa halip na malungkot at isipin ang dating nobyo. Makakatulong din sa’yo na maka-move on kung may pinagkakaabalahan ka. Hindi kasi habang panahon ay aasa ka sa iyong kapatid. Isipin mo rin ang iyong future.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

DEAR MISSY

DEAR VANEZZA

HANGGANG

ISIPIN

KAHIT

MABIGAT

MAKAKATULONG

MINSAN

NABALITAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with