^

Para Malibang

8 katangian ng mga babae na hanap ng mga lalaki (1)

Pang-masa

MANILA, Philippines - May mga babaeng nagtatanong kung anong kulang sa kanila bakit hindi sila makahanap ng kanilang lifetime partner? Ano nga ba ang tunay na hinahanap at hinahangaan ng lahi ni Adan sa mga babae? Sa isinagawang survey ng isang men’s magazine humahanga at sini­seryoso ng mga lalaki ang mga babaeng gaya nito:

1. Nais nilang makasama sa kanilang buhay ang mga babaeng hindi marunong magluto, ngunit pagdating sa kanilang paboritong pagkain ay nakakagawa ang babae ng paraan paano ito matutunang lutuin, maibigay at maipakain sa kanya ng masarap.

2. Hinahangaan din ng mga lalaki ang babaeng marunong ipaglaban ang kanyang opinion at kaya itong panindigan sa tamang oras o panahon. Minsan kasi, natutuwa rin ang mga lalaki kapag may kaunting argumento o debate silang nararanasan sa kanilang Eva.

3. Ayaw naman nila ng mga babaeng parang bata kapag hindi nakukuha ang kanilang gusto.  Smart ang dating sa kanila ng babaeng marunong tumanggap ng pagkatalo at tinatanggap niya ito ng taas noo at hindi nagmumukhang talunan.

4. Siniseryoso din ng mga lalaki ang mga babaeng may matino, mahusay at magandang career. Nagiging inspirasyon kasi ito sa kanila na mas pagbutihan ang kanilang trabaho, lalo na kung ang kanilang relasyon ay patungo na sa pagbubuo ng pamilya.

vuukle comment

ADAN

ANO

AYAW

BABAENG

EVA

HINAHANGAAN

KANILANG

MINSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with