^

Para Malibang

Binawi ang gf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa po akong hamak na tricycle driver. May gf ako. May kaya ang pamilya nila sa probinsiya namin at opisyal sa military ang tatay niya. Ayaw po ng kanyang mga magulang sa akin kaya itinanan ko siya. Pero nasundan kami ng mga tauhan ng tatay niya. Binugbog ako at sapilitang binawi ang gf ko. Mahal na mahal ko po ang gf ko at nagkaka-ugnayan lang kami sa text. Pero nalaman ito ng kanyang mga magulang at kinuha ang kanyang cellphone. Isang araw ay may humarang na magandang sasakyan sa harap ko. Tatay pala ng gf ko. Bumaba sa sasakyan at binantaan ako na may mangyayari sa akin kapag hindi ko tinigilan ang anak niya. Ano po ang gagawin ko? Baka ikamatay ko kung mawawala siya sa akin. - Hero

Dear Hero,

Mahirap ipaglaban ang pag-ibig mo. Pader ang binabangga mo. Tungkol sa banta niya, puwede mong ipa-blotter ito sa pulis. Pero alalahanin mo na opisyal ang kalaban mo. Kung gusto mong ipaglaban ang pagmamahal mo, lumaban ka. Diyan masusukat ang katapatan ng iyong pag-ibig. Pero handa mo bang itaya ang buhay mo? Ikaw lang ang makapagpapasya.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

AYAW

BINUGBOG

BUMABA

DEAR HERO

DEAR VANEZZA

DIYAN

IKAW

ISA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with