^

Para Malibang

‘Wirdong’ bagay sa sex at pag-ibig (1)

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Marahil ay iniisip natin na alam na natin lahat ang tungkol sa pag-ibig at sex. Pero ang tanong: Alam mo na nga ba talaga lahat at tama ba lahat ang alam mo? Narito ang ilang bagay ukol sa love at sex ayon sa health.com na ikagugulat ninyo.

Parehong DNA -  Love aseeks its own kind, ika nga. Madalas ang pinipili na­ting partner ay ‘yung kapareho natin ng edad, lahi, relihiyon, katayuan sa buhay at kung anu-ano pa. Pero ayon sa isang pag-aaral  na inilathala sa Procee­dings of the National Academy of Science, natuklasan na ang madalas na nagkakatuluyan ay may halos parehong DNA (Deoxyribonucleic acid). Pinag-aralan ng mga researchers ang genetic material ng 825 American couples ang nakitang kaunti lang ang pagkakaiba ng  DNA  ng mga married couple kumpara sa dalawang taong pinili lamang mula sa grupo.

Ang panonood ng ‘romantic-comedy’ mo­vies - Ang panonood ng magkasama ng pelikula ay maaaring magpatibay ng pagsasama ng mga couples, ayon kay Matthew Johnson, PhD, director ng Marriage and Family Studies Laboratory at Binghamton University. Sa kanyang pag-aaral, dumadalo ang mga couples ng counseling o nanonood ng mga pelikula tungkol sa relasyon. Bumaba ang divorce rate ng grupo matapos ang tatlong taong pag-aaral. (Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

BINGHAMTON UNIVERSITY

BUMABA

ITUTULOY

MADALAS

MARRIAGE AND FAMILY STUDIES LABORATORY

MATTHEW JOHNSON

NATIONAL ACADEMY OF SCIENCE

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with