^

Para Malibang

Abusadong mister

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago n’yo na lang ako sa pangalang Neri, 25. May 3 anak kami ng husband ko. Ang problema ko sa kanya, nangako siya na magbabago na pero iisipin pa raw nya kung kelan niya ititigil ang pakikipagbarkada, iinom ng alak at nambababae. Dahil dito kaya naghiwalay kami. Pero tuwing bibisitahin n’ya ang mga bata ay away lang ang nangyayari sa amin at pinagsasalitaan ako ng masasakit kapag hinihiram ko ang cellphone nya. May balita kasi ako na may babae na naman siya. Parang may tinatago siya at ayaw ipakita ang cellphone nya. Ano po ang dapat kong gawin, hihintayin ko bang magbago siya bago ako makipagbalikan o kakalimutan na lang siya?

Dear Neri,

Mukhang malabong magbago ang asawa mo at sa salita lang niya ito kayang gawin.   Naniniwala ako sa pagbibigay ng second chance sa sino man na nangangakong magbabago pero ang pagbabago ay dapat gawin agad. At kung talagang ibig niya na maayos ang inyong pagsasama, hindi ka niya pagsasalitaan ng masasakit. Walang masama kung mag-uusap kayo ng sarilinan para ayusin ang problema. Panindigan mo na kung magbabago siya, gawin niya ang pagbabago ngayon din. Sapagkat ang taong seryosong magbago ay hindi na nagpapaliguy-ligoy pa.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

DAHIL

DEAR NERI

DEAR VANEZZA

ITAGO

MUKHANG

NANINIWALA

NERI

PANINDIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with