^

Para Malibang

‘Indecent proposal’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Jojo binata. Mahirap lang po kami. Nang matapos ako ng high school, nag-working student ako para tustusan ang tuition ko sa college. Nagtrabaho ako bilang driver ng isang negosyanteng babae na 35 anyos at hiwalay sa asawa. Mabait siya sa akin. Pagkahatid ko sa kanya sa opisina niya ay pwede na akong pumasok sa school gamit pa ang kotse niya. Susunduin ko na lang siya matapos ang aking klase. Pero nagulat ako ng isang araw ay niyaya akong kumain sa labas at nagbigay ng proposal sa akin. Mag-live-in daw kami at sasagutin niya ang lahat ng kailangan ko. No commitment daw kapag nakapagtapos na ako ng college. Ang gusto lang nya ay companionship at katabi sa kama sa gabi. Hindi po ako isang lalaking mapagsamantala. Sabi ko pag-iisipan ko. Hirap akong mag-decide dahil parang siya na ang katuparan ng mga pangarap ko. Tama bang patulan ko siya?

Dear Jojo,

Hindi tamang kumagat ka sa alok niya. Una sa lahat ay may asawa siya. At sabihin na nating annulled ang kasal niya, mali pa rin dahil gagamitin mo lang siya for convenience para matupad ang pangarap mo. Mali iyan kahit siya pa ang may alok. Kung papayag ka sa kanyang “indecent proposal” para ka na ring isang male prostitute na ibinebenta ang iyong pagkalalaki. Sabihin mong paglilingkuran mo na lang siya bilang driver. At least marangal iyan. Ang ibinabayad niyang sahod sa iyo ay sinusuklian mo ng tapat na serbisyo.

vuukle comment

AKO

DEAR JOJO

DEAR VANEZZA

HIRAP

JOJO

MABAIT

MAHIRAP

NAGTRABAHO

NANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with