^

Para Malibang

Paputiin ang ngipin sa natural na paraan

Ms. Jewel - Pang-masa

May mga taong metikuloso at nais na lahat ng bahagi ng kanilang katawan ay mapaganda at mapaputi, kaya maging ang kanilang ngipin ay hindi nila palalampasin. Paano nga ba magkaroon ng maputing ngipin sa natural na paraan? Narito ang ilang hakbang para sa  mas maputing ngipin.

Kumain ng “crunchy foods” o mga pagkaing malulutong – Ang pagkain ng mga malulutong na pagkain ay nakakatulong na alisin sa ngipin ang mga duming kumapit sa iyong ngipin.  Sa totoo lang, ang mga pagkaing matatamis at malalagkit ang siyang salarin kaya mabilis na nabubulok ang ngipin.  Kumain din ng mansanas  dahil mahusay itong pampaputi ng ngipin dahil  sa taglay na malic acid na siyang nag-aalis ng mantsa sa ngipin.  Mabuti rin kainin ang pipino, broccoli, celery at carrots  dahil sa malulutong ang mga ito at matubig kainin dahil sa natural nitong pinalalabas ang iyong laway na siyang naghuhugas sa ngipin. Maging ang pagkukuskos ng strawberry sa ngipin ay makakatulong din magpaputi nito. Gumawa lang ng strawberry paste at saka ilagay sa ngipin ng ilang minuto at agad na magbanlaw. Ang raisins o pasas ay mahusay din kainin dahil tiyak na lalabas din ang laway mo dito.

Uminom ng tubig pagkatapos kumain – Ang pagtatanggal ng anumang tirang pagkain sa iyong ngipin ay malaking tulong para maalis ang anumang dumi  na siyang magpapabulok dito.  Gawin ito lalo na kung ikaw ay nasa labas ng bahay at hindi maaaring mag-toothbrush.

Kumain ng keso o cheese – Lumalabas sa ilang pag-aaral na mabuti itong panlaban sa pagkabulok ng ngipin.  Kaya kung kakain sa labas, magandang magbaon ng keso lalo na kung alam mong hindi ka makakapagsipilyo. Pinoprotektahan kasi nito ang ngipin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng enamel sa ngipin.

vuukle comment

GAWIN

GUMAWA

KAYA

KUMAIN

LUMALABAS

NARITO

NGIPIN

PAANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with