^

Para Malibang

Epekto ng puyat sa’yo... Last Part

Pang-masa

Ito ay karugtong ng paksa sa kung anu-ano ang magiging epekto ng puyat sa  iyong katawan. Narito pa ang ilan:

Problema sa pagmamaneho – Ang fatigue ay isa sa mga dahilan ng mga aksidente sa kalsada. Ayon sa isinagawang pag-aaral noong Abril 2013  sa Virginia Tech Transportation Institute, nagkakaroon ng pagkahilo ang isang taong kulang sa tulog kapag siya ay nagmamaneho.  Kapag kulang din sa tulog, bumabagal ang driving instinct ng isang tao. Kaya kung may problema sa pagtulog, mas mabuting uminom ng 8 oz na tart cherry juice isang oras at kalahati bago matulog. Nagtataglay kasi ng melatonin ang inuming ito kaya nakapagbibigay ng 39-minutong sobrang pagtulog kumpara sa regular na haba ng oras ng iyong tulog.

Nakakapagpataas ng stress levels – Kapag kulang ng anim na oras ang iyong tulog, hindi nabubuo ang genes sa iyong katawan na pumipigil  sa stress hormones na dumami. Sa research naman mula sa University of Surrey sa Guildford, England noong 2013,  kapag puyat, mas mababa ang iyong emosyon kaya mas mabilis na makaramdam ng lungkot. Subukan mong alisin muna ng anumang stress sa iyong katawan bago matulog. Bakit hindi ka muna magbasa ng librong para sa’yo ay boring? Tiyak na aantukin ka rito.

Mahirap mag-isip – Hindi lang kasabihan  na mahirap mag-isip kapag puyat. Totoo ito, dahil ang kawalan ng maayos na pagtulog ay nakakaapekto sa abilidad ng iyong utak na mag-isip at maglagay ng bagong impormasyon. Nakakatulong ang pag-inom ng mga inuming nagtataglay ng caffeine para ikaw ay manatiling alerto ngunit tiyak na mabagal pa rin na aandar ang iyong utak.

Pagkakalayo ng mag-asawa – Ang mga taong puyat ay nawawalan ng gana sa sex, pagkakaroon ng mood swing o pabago-bago ng mood. Kaya kung sa tingin mo ay hindi mo maiiwasan ang pagpupuyat, dapat ay mag-schedule ng inyong date para hindi mawala ang inyong koneksiyon sa isa’t isa.

Madaling kakapitan ng sakit – Kapag puyat, madali talagang kapitan ng sakit, Ang taong kulang ng pito hanggang walong oras ang tulog ay kakaunti ang napo-produce na antibodies.  Kaya kung lagi kang puyat, dapat na hindi ka malapitan ng mga taong umuubo o ng mga taong may nakakahawang sakit dahil tiyak na agad kang mahahawa sa kanya.

vuukle comment

ABRIL

AYON

IYONG

KAPAG

KAYA

UNIVERSITY OF SURREY

VIRGINIA TECH TRANSPORTATION INSTITUTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with