^

Para Malibang

Paano maging payapa ang isip?

Pang-masa

Minsan, kahit nais mong matulog at magpahinga ay hindi mo ito magawa dahil sa sobrang dami ng mga bagay na naglalaro sa iyong utak, maaaring ito ay trabaho sa opisina o sa bahay, problema o kahit pa dahil sa sobrang saya mo ay hindi ka pa rin makatulog. Narito ang ilang paraan para maipahinga mo ang iyong isip:

Alisin ang mga negatibong bagay sa utak – Wala ng ibang taong responsible kung anuman ang mga bagay na tumatakbo sa iyong utak. Kaya lang minsan, nalilimutan mo din na ikaw lang ang susi para maalis ang mga negatibong bagay sa loob ng iyong isip na nagdudulot ng kawalan mo ng kapayapaan. Kapag hindi mo nakontrol ang iyong isip sa paglalaro ng mga pangit na bagay dito, tiyak na ikaw ay magiging “moody” at hindi ka rin kagigiliwang kausapin ng mga taong nakapaligid sa’yo. Kung may bagay man na nakapagdulot sa’yo ng pagkainis, agad na alisin ito sa iyong utak, isipin mo na lang na wala din naman mangyayari kung maghapon mong isisiksik ito sa iyong utak.

Matutong tumanggi o magsabi ng hindi – May mga tao talagang hindi kayang tumanggi at palaging Oo ang sagot niya sa sinumang nais humingi ng pabor sa kanya. Kung sa tingin mo ay marami ka ng “commitment” o taong inoohan, Kapag hindi mo nabago ang ganitong kinasanayan, tiyak na mahihirapan kang magkaroon ng maayos  na schedule sa iyong utak at presto! Wala kang kapayapaan sa utak at hindi ka makakatulog.

Iwasan ang anumang interupsiyon – Kung madaming laman ang iyong utak, tiyak na madami din interapsiyon na magaganap dito. Sa halip na magiging produktibo ka sa pag-iisip at paggawa ng mga bagay, hindi na ito mangyayari. Dapat matutunan mong umiwas sa anumang interapsiyon gaya ng pakikipagkuwentuhan o pagtingin sa facebook o ano pa man. Kung may sariling kuwarto o opisina, mas mabuting isara ang pinto nito para maiwasan na makapasok ng madali ang sinuman.

Magpahinga – Maraming tao ang mahilig ipagkait sa kanilang sarili ang pagpapahinga. Dahil dito, hindi nila namamalayan na mas lalo silang napapagod at nagugulo ang isip. Kung magpapahinga ng kaunti sa gitna ng iyong ginagawa, mas magiging produktibo at mabilis mag-isip.

Kontrolin ang utak - Wala ng iba pang paraan para mapahinga ang iyong isip kundi kontrolin ito. Bakit hindi mo isulat isa-isa sa papel ang mga bagay na nasa isip mo? Halimbawa, kung mamalengke ka o maglalaba o anumang gawain na tingin mo ay importante, agad na isulat ito at idikit sa isang bahagi ng dingding na madali mong makikita at magpapaalala sa’yo. Dahil dito, agad mong maipapahinga ang iyong utak.

vuukle comment

BAGAY

DAHIL

IYONG

KUNG

UTAK

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with