^

Pang Movies

Rhian umaming malandi!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Minsan nang ibinahagi ni Rhian Ramos na nakaka-relate siya sa kanyang character na si Zoe. Kaya naman lubos niyang nae-enjoy ang pagganap sa Insta-famous swimwear designer dahil alam niyang bukod sa kanya, marami pang ibang makaka-relate rito.

Pero ibinahagi rin naman ni Rhian ang nakikita niyang mga pagkakapareho at pagkakaiba nila ni Zoe. Bilang fun and flirty, hindi na nahihirapan ang Kapuso beauty na pangatawanan niya ang kanyang role. Pero sinabi nitong ang kaibahan nila ay hindi siya possessive and selosa. Gayun pa man, nag-e-enjoy pa rin si Rhian na paglaruan ang kanyang karakter.

Rocco biglang tsinugi sa serye

Nakakaiyak ang naging eksena kamakailan sa GMA Afternoon Prime na Haplos dahil namatay ang isa sa karakter na tinitingala ng marami rito na si Rocco Nacino. Hindi inaakala ng viewers na may ganitong plot twist na mangyayari sa programa. Kaya naman ang Kapuso actor, emosyonal ang naging pagpapaalam sa kanyang Haplos character.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi siya ng picture ng kabaong ni Gerald. “It was a good run. Maraming salamat sa lahat ng tumutok sa pagmamahalan nina Angela at Gerald. Mami-miss ko kayong lahat! It was an honor to be part of Haplos.”

Sa takbo kasi ng istorya, mamatay si Gerald matapos kumain ng mansanas na isinumpa. Pero tila hindi pa ito ang huling beses na makikita siya sa serye. May balak pa kasi si Lucille (Thea Tolentino) na buhayin siya gamit ang itim na salamangka.

Ryza malala ang depresyon

Todo na ang pagkainis at galit na nararamdaman ng mga manonood para sa karakter ni Ryza Cenon sa Ika-6 Na Utos bilang si Georgia. Hindi na mapigilan ng followers ng programa ang magpahatid ng mensahe nila para sa dalaga dahil sa sobrang desperasyon nito para lang makuha si Rome (Gabby Concepcion) na pinagpipilitan niyang si Jordan.

Mas grumabe pa ang reaction ng viewers nang isang palabas ng pagpapakamatay ang ginawa nito. Ayon sa isang komentong nabasa namin ay dapat daw may pakundangan si Georgia sa mga tao sa paligid niya lalo na sa Ate Geneva (Angelika dela Cruz) niya na sobra siyang minamahal.

May nakita pa kaming komento na sinasabing gusto nilang kausapin si Georgia in person para raw masabihan at kaibiganin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with