^

Pang Movies

Jadine at Direk Antoinette nagharap, pinag-ayos?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Jadine at Direk Antoinette nagharap, pinag-ayos?!

Pinagharap-harap kagabi sa Viva office sina James Reid/Nadine Lustre at Direk Antoinette Jadaone matapos lumaki  ang em ote sa social media ng director ng pelikula ng JaDine na Ne­ver Not Love You na indirectly ay sinagot ni Nadine.

Pero habang sinusulat ito ay wala pang latest kung nagkaayos-ayos sila. Though hoping ang marami na magiging positive ang usapan, maaayos ang lahat at matutuloy ang pelikula.

Sumama ang loob ng JaDine fans kay Direk Antoinette dahil imbes na kausa­pin niya raw ang magka-loveteam tungkol sa naudlot na shooting ng kanilang pelikula, naglitanya agad ang direktora sa social media na bagama’t walang particular na pinatatamaan ay alam mo naman ang magka-loveteam ang tinutukoy.

Sumagot si Nadine na nagkasakit siya at ‘yun ang dahilan kaya nakansela ang taping at hindi ang isyung naglasing si James.

Anyway, may inilabas naman pasilip si Direk Joyce Bernal ng pelikulang Miss Granny kung saan bida si Sarah Geronimo with James, super cute ang eksena nila kaya mas marami pang nae-excite na panoorin ang movie.

Xian masaya sa walang label na relasyon nila ni Kim

What you see is what you get ang sagot ni Xiam Lim sa status ng relasyon nila ni Kim Chiu.

Masaya na raw sila kung anuman ang meron sila sa kasalukuyan.

“Wala, hindi namin pinag-uusapan ‘yan. Hindi kasi kami masyadong makuwento,” depensa ng aktor tungkol sa lagay ng relasyon nila ng aktres.

‘Yan ay kahit magkasama silang nag-Pasko sa Finland at sa ibang bahagi ng Europe.

Anyway, hiniram na naman para sa pelikulang Paddington 2 ang boses ni Xian.

Siya na ang unang nag-boses kay Paddington (bear from UK) sa unang pelikula nito noong 2015. Showing sa bansa ang Paddington 2 simula sa January 31.

Piolo naunahan ni Gerald kay Pia

Ay hindi pala si Papa Piolo Pascual ang leading man ni former Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang next project after Gandarrapido. Ang nagwagi, si Gerald Anderson.

Kahapon ay inilabas ng Star Cine­ma ang kuha sa story conference ng gagawin nilang movie na My Perfect You ang title. Si Direk Cathy Garcia Molina ang magha-handle.

Naunang napabalita na si Papa P ang makakasama ni Pia.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with