^

Pang Movies

Alden tadtad ng hugot!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden tadtad ng hugot!

Alden

More than twenty thousand likes sa Twitter ang nakuha ng last episode ng Road Trip ng GMA News & Public Affairs, na ipina­labas noong Sunday, January 14, sa GMA 7.  Ibig sabihin, kahit sa Sta. Rosa City in Laguna at sa Sky Ranch sa Tagaytay lamang ang naging location nila, kita naman ang saya nina Pambansang Bae Alden Richards at mga kaibigan niya na sina Sam YG, Bea Binene at Divine Tetay.

“Masarap lamang na may mga kaibigan kang kahit hindi kayo madalas nagkakasama, kapag tinawagan mo sila para sa isang outing, dumarating sila,” sabi ni Alden.

Ibinuking pa ni Alden si Sam YG na laging may hugot sa bawat challenge na gawin nila. “Kabi—break lamang kasi nila ni Joyce Pring (girlfriend ni Sam YG) kaya sunud-sunod ang hugot niya.”

Samantala, tuluy-tuloy ang trip ni Alden dahil simula pa lamang ngayong January, ng kanyang out of the country shows. Paalis bukas, Wednesday, January 17, si Alden para sa kanyang Alden Richards Live in Sydney! sa Saturday, January 20, at 7:00 PM sa Evan Theatre Panthers Penrith, Australia. Exclusive media sponsor ang GMA Live TV, GMAPinoy TV, GMA News TV, presented by Memory Bliss Productions.  Kasamang aalis ni Alden ang comedian and host na si Betong Sumaya. Happy trip!

Mikael gusto nang maging misis si Megan!

Sunod na bang ikakasal kina Pancho Magno at Max Collins ng GMA, ang mag-sweetheart na Megan Young at Mikael Daez?  Natuwa ang friends nila nang mag-attend sila sa wedding nina Rob Mananquil at Maxene Magalona at based sa wedding video, noong time na ihahagis na ni Maxene ang wedding bouquet niya, sino ba ang nasa likod ni Megan kundi si Mikael na sinuportahan si Megan nang saluhin nito ang bouquet, siyempre pa, sa taas ni Megan, na tumalon pa para masalo ang bouquet, ay nakuha niya ito.

Sa ngayon, first time na magtatambal sina Megan at Mikael sa bagong afternoon prime drama sa GMA 7, ang The Stepdaughters na makakasama nila si Katrina Halili, at sina Glydel Mercado, Angelu de Leon, Samantha Lopez, Gary Estrada at marami pang iba.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with