^

Pang Movies

Martin handa nang maging lolo, excited maging balae si Zsa Zsa!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon sa Concert King na si Martin Nievera, ready na siya sakaling sabihin sa kanya ng anak na si Robin Nievera na gusto na nitong pakasalan ang girlfriend na si Zia Quizon, anak nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla.

“I’m ready, I’m so ready,” Martin said at the presscon held yesterday for #paMORE na pre-Va­lentine concert nila nina Erik Santos, Ogie Alcasid and Regine Velasquez.

Dagdag pa niya, “or if they wanna have a child, I’m so ready. And today, you can’t be that old-fashioned father anymore. They’ll do it, anyway, ‘di ba? The more you hold them up, they will rebel.”

Aminado rin si Martin na nakikita niyang tila seryoso na nga ang relasyon nina Robin at Zia dahil lagi raw talagang magkasama ang dalawa kahit saan at lagi nga raw magka-holding hands.

“Everywhere, they’re together. Even when we had our little impromptu dinner, they were together again, connected by the fingers,” sey pa ni Martin.

Halata ring botong-boto siya kay Zia pati na rin siyempre, sa idea na magiging balae niya si Zsa Zsa.

“Hay naku, can you imagine kung may relationship kami ni Zsa Zsa, that would be really weird, I think, you know. But I told this to Zia, I told this to Boy Abunda as well, I said, ‘you know, Zia is the closest you’re gonna get to ending up with a woman like Zsa Zsa.’ She is a beautiful woman inside out. She’s the best friend of everyone in the industry,” papuri ni Martin sa Divine Diva.

Samantala, gaganapin ang #paMORE sa Feb 10, 2018, sa Mall of Asia Arena, 8pm, and it’s one of the few local shows to get staged this Valentines dahil sa rami ng foreign acts coming in the country.

#paMORE (the MORE stands for Martin, Ogie, Regine and Erik) stands out as a treat for Filipinos still looking for a flavor of OPM this season.

Under the stage direction of Paolo Valenciano and musical direction of Louie Ocampo and Raul Mitra, ang #paMORE is produced by Ana Puno of Starmedia Entertainment and Cacai Mitra of I-Music Entertainment.

Ang tickets para sa #paMORE ay available na sa SM Tickets (all branches/online at www.smtickets.com/ 470-2222).

Erik intimidated kina Martin, Regine at Ogie

Sobrang honored naman ni Erik na nakasama siya sa #paMORE with three of our music icons in the industry.

“Actually, nun’g sinabi sa akin na part ako ng project na ito, parang hindi ako makapaniwala. Kasi, silang lahat, icons di ba? And parang pinakabata ako kasi sa kanila, para mapabilang na maka-perform with them, parang it’s beyond ano, eh. Iba.

“Saka ang maganda dito kasi, nakasama ko na sila sa mga shows before and I’m close to all of them,” pahayag ni Erik.

Aminado naman ang Prince of Pop na idol niya talaga si Martin noon pa at hanggang ngayon nga raw ay nai-starstruck pa siya sa Concert King kahit na ilang beses na silang nagkasama.

“May ganu’n pa rin akong feeling. Everytime I perform with them, may feeling pa rin ako na nae-excite ako.”

Sobrang hinahangaan daw niya kay Martin na gusto niyang ma-adapt ay ang pagiging witty nito.

“He’s very witty. Intelligent performer kasi si kuya Martin, eh. So, parang lahat, kahit anon’g tipo ng audience, kaya niyang i-handle.”

Ang gusto naman daw niya kay Ogie ay ang pagiging kalmado nito.

“He’s very calm, very relaxed, parang hindi marunong magalit. Napakabait. ‘Yung ia-affirm ka niya bilang tao, bilang performer. ‘Yung encouragement niya sa ‘yo. Mae-encourage ka sa kanya to go on, to do better.”

How about Regine?

“Si Ate Regs, napaka-gracious niya. Lagi kong sinasabi, she’s one of the most generous artists na nakatrabaho ko. And si ate Regs kasi, close rin ako sa kanya kasi siya ‘yung kung baga, isa sa una kong pinaka-nakatrabaho when I was starting,” sey ni Erik.

Pero hindi niya rin daw maiwasan na makaramdam ng intimidation sa tatlo at mabuti na lang daw at pinapakalma siya ng mga ito parati.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with