^

Pang Movies

Alindog ni Erich inaabangan kong sisilipin ng ex!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Panoorin kaya, Salve A., ni Daniel Matsunaga, kahit pa may sarili rin siyang entry ngayong Metro Manila Film Festival (Meant To Beh), ang Siargao kung saan bida ang kanyang ex girlfriend na si Erich Gonzales?

Narinig namin na ma­­ra­ming first time na gi­na­wa si Erich sa movie. Una na rito ay ang kanyang pagsusuot ng skimpy bikini kaya kitang-kita ang kanyang sexy body.

Supposedly nagtuto siyang mag-surf sa pelikula. Ang Siargao ay tourist destination sa south na tinagurian pang surfer paradise. Isa itong isla na kung baga sa babae, ‘virgin’ pa.

Ayon kay Erich, kinailangan pa niyang kumuha ng crash course sa surfing to at least, equal, the skill of her leading man na si Jericho Rosales, na isang professional surfer.

Sa ilang eksena ng Siargao, nagpakitang-gilas din si Erich nang mag-cliff diving siya.

At heto pa, marami silang intimate scenes ni Jericho, with both of them in their sexiest, so to speak.

Director-producer Paul Soriano is at the helm. Si Direk Paul ang may-ari ng TEN17P, ang kumpanyang naniniwala sa paggawa ng rich and quality films.

Kasama rin sa cast ng movie si Jasmine Curtis-Smith.

Daniel ayaw nang pag-usapan si Erich!

Of Daniel, maganda rin ang role niya sa Meant To Beh, kung saan unang beses niyang nakasama sina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

Nagtambal na before sina Vic at Dawn. Pero sa TV series na Okay Ka, Fairy Ko.

A joint production of OctoArts, APT and M-Zet, Meant To Beh has Chris Martinez at the helm.

Tampok din sa movie sina Andrea Torres, Sue Ramirez, Ruru Madrid and child actor Baste.

Samantala, medyo challenging ang role ni Daniel sa Meant To Beh. Magkakagusto kasi siya kay Dawn na may asawa’t anak na.

Sa totoong buhay, ayon kay Daniel ay hindi niya nakikita ang sarili na mai-inlove sa taong alam niyang pag-aari na ng iba.

He still has high regards for his ex-girlfriend. Although, as much as possible, he would rather not talk about anything anymore na may kinalaman kay Erich.

Masaya raw siya sa magagandang bagay na nangyayari kay Erich. Balita kasing may bago na itong boyfriend na mayaman, binata at mahal na mahal siya.

May lovelife na rin naman ngayon si Daniel pero as much as posible, he would want to keep things about them private. At sana raw, mapagbigyan siya sa hiling niyang ito.

Well.

In any case, may advice kami, Salve A., kay Daniel, dahil mukhang maganda ang hinaharap niya sa showbiz. Ang kulang lang actually sa kanya, hindi pa siya gaanong marunong umarte.

Kaya, sana, damihan niya ang oras ng pag-attend sa acting workshops.

As it is, looks like, permanente na siyang nanini­rahan sa Pilipinas, considering ang kanyang kapatid na si Vanessa ay married sa isang Filipino photographer.

Maganda rin daw ang takbo ng restaurant business nila na ang nagma-manage ay ang kanyang ina.

Balitang pinag-iisipan din niyang maglagay ng branch sa isang area pa sa Metro Manila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with