^

Pang Movies

Bagong Panday umaasa sa lakas ng Diyos!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Naka-motorsiklo na rin sa Tondo

Ang unang-unang festival movie na napanood namin sa taong ito ay ang Ang Panday. Suwerte rin namang nakumbida kami sa kanilang ginawang special screening. Ang Panday ang una naming napanood kahit noong araw pa, sukdulang makipila pa kami sa sinehan.

Pero kung inaakala ninyo na itong Panday ngayon ay kopya, o pag-uulit ng kuwento ng Panday, magkakamali kayo. Moderno na ang musika nito. Nagra-rap pati si Panday. Bagama’t may eksenang nakasakay sa kabayo, ang talagang sasakyan ng bagong Panday ay motorsiklo. Ang nilusob ng pangkat ni Lizardo ay hindi na ang isang baryo, kung ‘di sumalakay sila mismo sa Tondo.

Nakuha ng Panday ang mahiwagang balaraw na nakasaksak sa isang bato, parang iyong Excalibur. Pero kailangang muli niya iyong pandayin para talunin nang tuluyan si Lizardo. Sa kuwento ngayon, mukhang talagang hindi na makakabalik pa si Lizardo.

Pilyo ang Panday, nakalaban pa niya ang mga duwende, at nakipaghalikan pa sa diwata. Napasok din niya ang palasyo at nakaharap ang hari at reyna ng engkanto. Iyong lumulutang na palasyo, naalala namin iyong Never Ending Story.

Pero pagdating sa final showdown ng Panday at ni Lizardo, matindi ang aksiyon, at napakahusay ng opticals. Aminin naman natin, noong panahong gumagawa ng Panday si Fernando Poe, Jr., wala iyang CGI o computer generated imaging. Ang ginagamit ay tinatawag na “camera trick” lamang ni Mang Tommy Marcelino. Natural lang naman na mas maging maganda ang opticals na ginamit sa pelikula ni Coco Martin.

Mayroon lang kaming isang napuna sa final showdown. Hindi kagaya noong mga naunang Panday na talagang nasibak nang husto si Lizardo. Ngayon una pang bumagsak at nasaksak ang Panday. Habang siya ay nakalugmok sa buhangin, na­nalangin ang Panday at tumawag sa Diyos. Biglang lumipad ang espada ng Panday papunta sa kamay niya at doon natapos si Lizardo.

Tatanungin ninyo kami ngayon, mahina ba ang Panday sa ending?

Hindi po mahina ang Panday, nilagyan lang ng bagong twist, na ang tumalo sa lahat ng kasamaan ay ang Diyos na pinakamakapangyarihan sa lahat. Itong Panday na ito ang siyang tanging nagbigay ng ganoong pakilala sa Diyos. Kaya kung kami ang tatanungin, iyon ang lamang ng bagong Panday.

Sasabihin ninyo ngayon, bakit binago ni Coco ang character ng Panday? Wala pong binago dahil sa simula pa lang sinabi naman niya na hindi siya si Flavio, ang original na Panday. Siya ang apo ni Flavio. Hindi rin naman original si Lizardo. Isa siyang bata na namatay sa pagkakasilang, na napasukan ng espiritu ni Lizardo at nabuhay na demonyo. Masasabi ngang millennial story ng Panday.

Sa tingin namin, dahil sa mga ginawang pagbabago ni Direk Rodel Nacianceno (tunay na pangalan ni Coco) sa kuwento ng Panday ay mas napalawak niya ang potential audience ng pelikula na tiyak na dadagsain ng mga bata. Sa palagay din namin, sa lahat nang inaasahan nilang commercially viable film, ang Panday ang mairerekomenda namin para sa mga bata, dahil sa tamang values. Yung pagpapakita ng pagmamalasakit sa pamilya, at higit sa lahat iyong pananampalataya sa Diyos. 

Ang Panday ay hindi umasa sa kanyang lakas bilang tao, o umasa sa kapangyarihan ng espada na kanyang nilikha. Iyong Panday ay umasa sa kapangyarihan ng Diyos na lupigin ang kasamaan. Ang Panday ay graded G ng MTRCB, ibig sabihin maaaring panoorin iyan ng mga bata. Graded B naman ng Cinema Evaluation Board.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with