^

Pang Movies

Kris aligaga na sa gagawing movie

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kris aligaga na sa gagawing movie

Kris Aquino

Masaya si Kris Aquino dahil hindi man siya nagkapalad na makagawa ng bagong TV show, may dalawang movies daw naman siyang gagawin sa 2018. Isa raw ay horror movie para sa Netflix at ang isa ay naiibang concept na ididirek ni Chris Martinez. In-offer daw sa kanya ni Direk Chris ang movie at nagustuhan niya. Kilala na raw niya noon pa si Direk Chris na siya raw sumulat ng script ng horror movie niyang Sukob kaya tinanggap niya ang offer. 

Sa ngayon, wala pang ibi­nigay na ibang details si Kris tungkol sa gagawin niyang da­la­wang pelikula. At tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng new endorsements niya.

Ryza nakabili ng bagong sasakyan at nagkaroon ng business sa pagmamaldita

After one year taping for Ika-6 Na Utos, nakabili na si Ryza Cenon ng isang brand new car, kapalit ng sasakyang ginagamit niya sa loob ng 12 years, nang manalo sa StarStruck. Pero hindi raw niya ito binili nang cash dahil part ng naipon niya ay share naman niya sa isang restobar, with her friends, including her boyfriend Cholo Barretto. Alegria ang name ng restobar na Latin-Mexican food ang isini-serve. Located ito sa top floor ng isang building sa Bonifacio Global City (BGC). 

Masaya silang magkakasosyo dahil bukod sa maganda ang pasok ng custo­mers, marami na raw silang nakuhang Christmas events since nag-open sila before Christmas season. Hindi man daw siya madalas na­ka­kapunta sa restobar dahil busy sa taping, may mga nag-aasikaso naman nito.

Sabi ni Direk Laurice Guillen, sa December 18 na ang last taping nila for 2017 at magkakaroon sila ng two weeks Christmas break. Pero hindi pa rin nila alam kung hanggang kailan tatakbo ang kanilang top rating afternoon prime drama series.      

Gabby maghahardinero muna sa Amerika

Tulad nang nakagawian na ni Gabby Concepcion every year before Christmas ay bumabalik sila ng wife niya at dalawang anak sa bahay nila sa San Francisco, California.

Kaya aalis daw sila before Christmas at babalik sa January, 2018 kapag tinawagan na siya ng GMA 7 para mag-resume ng taping ng Ika-6 Na Utos. 

“Magiging gardener muna ako pagbalik namin sa San Francisco,” biro ni Gabby.

“No, may iniwan man akong caretaker sa bahay namin doon, iyong garden at mga trees sa lot namin, hindi ko pinagagalaw. Gusto kong ako ang mag-ayos ng garden at ako rin ang magpuputol sa trees. Baka magkamali sila sa pagputol, sayang naman kasi, matagal na iyong nakatanim doon.”

May ilang shows din daw siyang tinanggap doon, tulad nang nakaugalian na niya tuwing bumabalik sa America. Mas gusto raw niya ang mga small and intimate shows na malapit siya sa audience.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with