^

Pang Movies

Derek hindi pa tapos ang laban sa annulment!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Derek hindi pa tapos ang laban sa annulment!

Jennylyn Mercado at Derek Ramsay

Hindi pa pala tapos ang annulment ni Derek Ramsay sa ina ng kanyang anak na si Austin.

May mga kailangan pa raw ayusin at kailangan pang magharap-harap sa korte ayon sa isang source. At may mga testigo pa raw na kailangang iharap pero na-settle na ang tungkol sa assets and pro­perties ni Derek na bida sa pelikulang All of You with Jennylyn Mercado na isa sa eight official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Aminado si Derek na nagsasama na sila ng kasalukuyan niyang girlfriend na si Joanne Villa­blanca. “Practically we are living together for a year now,” sabi ni Derek sa interview sa presscon ng All of You recently.

Pareho silang may tig-isang anak.

Anyway, pinupuri-puri ang acting ni Derek sa reunion film nila ni Jennylyn na nagkaroon ng press preview kahapon. Kasama ni Derek ang anak na binatilyo na sa nasabing preview.

Ibang Derek ang napanood dito at hindi nakakataka kung masusungkit niya ulit ang Best Actor trophy.

Bagay na bagay sa kanya ang role at blessing in disguise nga sigurong masasabi na tinanggihan ito ni Jericho Rosales.

2 Mrs patapos na

Four shooting days na lang pala ang natitira sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes starring Judy Ann Santos and Angelica Panganiban.

Co-production ito ng Quantum Films and Star Cinema at ipalalabas sa January 17.

Super aliw daw ang kuwento nito pero tagos sa puso kaya dapat nating abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with