Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Susan minana ang tradisyon ni FPJ

Ang champion lady, kahit bansag lang sa kanya e talagang champion sa lahat ng bagay, hindi sa powder soap o sa mga gamot na champion sa kamurahan. Siya si Susan Roces, ang babaeng sobrang kinis at ganda ng mukha kaya siya ang nagmamay-ari ng “the face that refreshes”.

Kilala si Susan sa ugaling laging nauuna dahil para sa kanya, daig ng maagap ang masipag. Ganito ang ugali nila ng kanyang mister na si Fernando Poe, Jr. Bukod dito, ang lagi nilang dalang aral ay ang pagmamahal sa kapwa.

Tradisyon na nila na sa pagsapit ng December, inihahanda na nila ang kanilang mga tutulungan.

Sako-sakong bigas ang nakapangalan na sa mga taong bibigyan nila ng regalo. Nangunguna na sa listahan ang mga tauhan ni Da King sa kanyang film studio, mga artista, extra, bit players, production staff, friends, kasambahay, at movie press people. Never kaming nawala sa listahan ng movie press people at take note, ipinadadala pa ang mga regalo sa mga bahay-bahay.

Hindi namimili ng reregaluhan si Da King. Namatay si FPJ pero hindi nawala ang sinimulan niya. Ang kanyang reyna na si Susan ang nagpatuloy nito.

Merry Christmas to all and a million thanks!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Direk Maryo tuloy ang paghahanap ng magagaling na aktor

Nakaka-touch naman si Direk Maryo J. delos Reyes, ang founder at producer ng Production 56 na binansagang Home Of Fine Actors. Knows naman natin na si Direk Maryo ay isang napakagaling na writer at direktor, isang multi-awarded film and TV director at may mata sa mga taong may talent sa acting, singing, dancing at lahat nang kaalaman na may koneksyon sa larangan ng pelikula at TV kaya may karapatan siyang magtayo ng isang talent company.

Ang production 56 ay naging successful at very proud si Direk Maryo na ang isa at first talent ay si Yul Servo, na hindi lang lumabas na magaling na artista, kung hindi isang well-trusted na politician pa sa ngayon.

Regarding Yul, na panganay na anak ni Direk Maryo sa Production 56, marami na siyang awards na nasungit at ilan sa mga pelikulang ito ay sa pelikulang Batang West Side (2001), Naglalayag (2004) at Brutus (2008).

Ngayong 2017, may chance raw si Yul sa pelikulang Kiko Boksingero kung saan lalo siyang gumaling. Malaking bagay daw ‘yung mga advice sa kanya  at iba pang talent ng Production 56. Busog sila sa mga pangaral ni Direk Maryo at malaking tulong din ang paglabas niya noon sa stage show.

Samantala, kasama sa mga talent ng Production 56 sina Ruru Madrid, Miggs Cuaderno, Neil Ryan Sese, Leandro Baldemor, Masculados, Orlando Sol, Romano Vasquez, Nash Aguas, Will Ashley de Leon, Nafa Hilario Cruz, Xyrus Cruz, John Raspado,at Barbara Miguel at marami pang iba.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: