Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

John Lloyd big time talaga, suot na hikaw at singsing ni Ellen woth P7 million!

John Lloyd Cruz

Wow, katerno pala ng hikaw ni Ellen Adarna na worth P4 million ang biniling singsing ni John Lloyd Cruz sa kanya na worth P3 million.

Kuwento ni Nay Lolit Solis na nakatsika ang alaherang binilhan ni John Lloyd ng singsing, may ganung hikaw na raw kasi ang sexy actress na girlfriend kaya singsing na lang ang binili ni John Lloyd na gusto nga nitong ternohan.

Worth P7 million daw kasi ang magka-ternong hikaw at singsing ng yellow princess cut perfect diamond kung pareho mong bibilhin.

Naka-scope si Nay Lolit sa nasabing engagement ring ng aktor kay Ellen nang i-post niya sa kanyang IG account at sulatin sa column sa PSN ang tungkol sa nasabing singsing kung saan muntik na raw siyang (Lolit) himatayin sa pagkabigla sa pagiging generous ng aktor.

 Maja naka-heels nang lumambitin sa ere!

Tila isinabuhay na ni Maja Salvador ang mapangahas niyang karakter na si Lily Cruz matapos itong mapanood na lumambitin sa helicopter nang naka-heels sa episode noong Lunes (Dec 4) ng hit primetime serye na Wildflower.

“Walang takot at palaban kasi si Lily Cruz, kaya nasaniban yata ako ng lakas at tapang niya noong araw na iyon,” saad ni Maja.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Walang double at wala ring suot na harness ang aktres sa kumakalat na behind-the-scenes video kung saan nakalambitin siya sa isang helicopter.

“May double naman dapat. Noong nakita ko kasing ginawa ng double, sinabi ko sa kanila na parang kaya ko naman. Kaya ginawa ko. Nasa season 4 na rin kami kaya dapat may bago silang nakikita,” kwento ni Maja.

“Habang nandoon ako sa taas, paulit-ulit ako nagdadasal sa utak ko ng ‘please protect me Lord!’” dagdag niya.

Bukod sa helicopter scene, maraming netizens din ang naastigan sa kanyang pakikipagbarilan habang nakasakay sa motorbike.

 Huwag palalampasin ang Wildflower, Lunes hanggang Biyer­nes bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167).

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: