^

Pang Movies

Mariel biglang ekstra sa pelikula ni Coco?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tipong nakakaintriga ‘yung kumakalat na isyu na parang ini-ease out na sa pelikula ni Coco Martin si Binibi­ning Pilipinas International Mariel de Leon bilang leading lady sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Ang Panday.

Mas priority na raw nga­yon si Kylie Versoza na dating Miss International.

Dahil kaya sa pagkatalo ni Mariel kaya raw biglang umingay ang role ni Kylie sa pelikula?

Rocco pinanghihinayangan

 May mga mahaderang fans kaming nakakuwentuhan na nakapanood ng nakaraang Under The Stars fashion show. Naaliw kami at nag-isip na marahil ay totoo nga ang sinasabi nilang napatunayan sa nakaraang event kung sino ang mga nasa peak of success at talagang hinahangaan ng madla. Tulad na lamang ni Maine Mendoza na grabe ang palakpakan nang rumampa ito kesehodang hindi siya mestiza at retokada tulad ng ibang mga rumampa. Kawawa naman nang rumampa ang pantasya raw ng bayan na si Kim Domingo. Wala kasing gaanong nagpalakpakan sa kanya.

Napatunayan lamang sa nasabing fashion show na ang karamihan sa mga nanood ay berde ang dugo. Sino’ng beki ba naman ang kikiligin sa laki ng boobs ni Kim? Nagpantasya ang mga manonood sa palakihan daw ng mga bukol ng mga lala­king rumampa. Umaatikabong hiyawan ang narinig sa audience lalo’t halos hubad na ang mga rumampang lalaki.

May mga nagtatanong, bakit daw kaya nagpakita ng puwet si Rocco Nacino gayung isa siyang magaling na aktor at galing pa sa buena familia? Isa pa siyang college graduate at may master’s degree na rin. Uso pa raw ba ngayon ang mga hubaran? Sobra pa naman daw ang pag­hanga nila sa aktor na ngayon ay parang nabawasan daw.

Dexter Doria nakaranas magbida ngayong senior citizen na

Masaya si Dexter Doria dahil hindi raw niya akalaing sa tagal niya sa showbiz at kung kailan naging senior citizen siya ay saka siya magbibida sa movie. Nakakaalarma kung tutuusin dahil nararapat mag-ingay nang todo si Dexter para may manood ng movie niya na Paki (Please Care) ni direk Giancarlo Abrahan. Kasali ito sa Cinema One Originals Film Festival.

Isang magaling na English writer noon si Dexter.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with