^

Pang Movies

Aktres na maingay ang hiwalayan sa mister, nangangamoy balikan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nag-uusap na uli at madalas na nakikita na magkasama ang aktres at ang estranged husband niya.

Ang feeling ng pamilya ng magkabilang-panig, malaki ang tsansa na magkabalikan ang dalawa, sa kabila ng malaking eskandalo na pinagdaanan nila at pinagpistahan ng mga mahihilig sa tsismis at kontrobersya.

May mga anak ang aktres at ang estranged husband niya. I’m sure, malaking dahilan ang mga bagets para magkasundo na sila at ayusin ang buhay nila.

Kapag natuloy ang reconciliation, may important lesson na matututunan ang lahat, huwag makialam sa away ng mag-asawa at iwasan ng mga sangkot sa gulo na magkuwento sa publiko tungkol sa kanilang mga personal na problema para sa bandang huli, hindi nila kainin ang masasakit na salita na nabitawan dahil galit ang pinairal.

Jinggoy lumiit ang katawan nang makalabas

Mula nang lumaya si former Senator Jing­goy Estrada, marami ang nakapansin sa dahan-dahan na pagpayat niya.

Hindi naman nakapagtataka na nabawa­san ang timbang ni Papa Jinggoy dahil sa rami ng mga pinagkakaabalahan niya at mga lugar na pinupuntahan para kumonsulta sa taumbayan.

Hindi kagaya noong nakakulong pa siya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame. Limitado ang activities niya at kahit may oras siya para mag-exercise, nagdadala ng masasarap na pagkain ang mga dalaw nila ni Bong Revilla, Jr.

Ricky ginawang tiyahin ng mga reporter

Sa sobrang effective na pagganap niya na gay sa My Korean Jagiya, Tita Josie na ang tawag kay Ricky Davao ng mga tao na nakakahalubilo niya.

Pabiro na umirap si Ricky nang tawagin siya na Tita Josie ng mga reporter na nadatnan niya sa presscon ng Smaller and Smaller Circles ng TBA Studios.

Sa true lang, hindi naman offended si Ricky. Natutuwa nga siya dahil marami ang pumupuri sa acting niya sa My Korean Jagiya na consistent na mataas ang rating. Ang Tita Josie character ni Ricky ang isa sa mga inaabangan at sinusubaybayan ng televiewers.

Pagiging mag-ninong nina Piolo at Ruru, ginagawan ng malisya!

May mga kumukuwestyon sa pagiging  ninong ni Piolo Pascual kay Ruru Madrid dahil member ito ng Iglesia Ni Cristo.

Isyu ba ‘yon? Bago magtanong at mang-intriga ang mga nagdududa, mag-research muna kayo. Malay n’yo naman kung hindi pa mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang pamilya ni Ruru nang binyagan ito?

Former model ang tatay ni Ruru na carbon copy niya at matagal na silang magkaibigan ni Piolo. Tumaba nga lang nang todo ang fadir ni Ruru kaya  nahihirapan ang fans na maniwala na model siya noong kabataan niya.

Kamukhang-kamukha ni Ruru ang kanyang ama at may tendency rin siya na tumaba kapag nagkaedad at hindi naging conscious sa katawan niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with