^

Pang Movies

James at Nadine pumiyok sa magiging baby

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Balik-pelikula na talaga ang magka-loveteam at “team real” couple na sina James Reid at Nadine Lustre dahil sinimulan na nila ang shooting ng bago nilang movie under Viva Films na may working title na Five Years Later mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone.

Mensahe nga ni Nadine sa kanilang JaDine fans sa panayam ng TV Patrol, “Eto na ‘yung pinakaaantay ninyong comeback namin.”

Ang pelikula ay love story raw ng isang probinsyana at aggressive na gra­phics designer.

Si Nadine ay si Joanna na isang pro­bin­sya­nang taga-Zambales.

“Super-simple lang,” deskripsyon ni Nadine sa kanyang karakter.

Paglalarawan naman ni James sa kanyang karakter ay bad boy, reckless, riding on a bike.

“He sees something in Joanne he doesn’t see in anyone else,” sey pa ni James sa kanyang karakter.

Ang nakakatuwa ay nang biruin ang dalawa kung totoong magkaka-baby na sila.

“Huh?” ang gulat na sagot ni Nadine, “wait lang, saan galing ‘yun?”

Sabi naman ni James, “No, no, I’m having a baby” at nagtawanan sila.

“Si James po ‘yun,” natatawa ring sambit ni Nadine.

Kris aprub sa panggagaya ni Bimby!

Sinagot ni Kris Aquino ang komento ng netizen sa kanyang Instagram account tungkol sa nag-viral na video kung saan ay ginaya ng bunso niyang anak na si Bimby ang kanyang pagsasalita.

Ito ‘yung video kung saan ay nag-host si Kris ng block screening kay Kim Chiu para sa The Ghost Bride at makikitang nag­tsitsikahan silang tatlo.

Sa nasabing video, talaga namang maaaliw ka kay Bimby dahil gayang-gaya nito kung paano magsalita ang ina pati ang accent.

Kaya naman may netizen na nag-comment na naawa raw siya kay Bimby at hindi ito pinalampas ni Kris.

“I don’t think you have a 10 year old -he doesn’t stop spoofing me when we are home (or any other time he feels like it) & we are having a discussion straight to my face! This is him being him trying to be his version of me! He can actually mimic so many people... it is actually poor Kris because i get so much of it!!! He even has a term for it- he says I AM THE MORE TRUTHFUL KRIS- patay...” ang sagot ni Kris sa nag-comment.

Well, talaga naman kasing masarap gayahin ang boses ni Kris kaya nga napakaraming nag-i-impersonate sa kanya at karagdagan nga lang si Bimby. Pero siyempre, bilang anak, siya na ngayon ang number one na may karapatang gayahin ang ina.

Kaya dapat nang tumabi ang ibang nag-i-impersonate kay Kris tulad nina Vice Ganda, Angelica Panganiban, Barbie Forteza dahil hello, mas magaling sa inyo si Bimby, no!

Ritz nagpa-throwback sa magtatapos nilang series

Ngayong Biyernes na ang ang finale episode ng The Promise of Forever kaya naman nagpapasalamat na ang isa sa bidang si Paulo Avelino sa kanyang Twitter account.

Si Ritz Azul naman ay parang nagbigay ng tribute sa kanyang IG account. Nag-post siya ng mga larawan nila habang nagti-taping sa Europe last year including behind the scenes photos kasama ang dalawang leading men at production team. Ipinost din niya ang mga magagandang view ng lugar na kanilang pinuntahan.

Sa pagtatapos ng serye ngayong araw, oras at kamatayan ang magiging kalaban ng pagmamahalan nina Laurence (Paulo) at Sophia (Ritz) ngayong nakatakda nang isagawa ni Marlon (Tonton Gutierrez) ang kanyang mga eksperimento sa immortal man upang mabuo ang inaasam niyang miracle drug.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with