^

Pang Movies

Zanjoe hindi rin pinalad sa Emmy

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Zanjoe hindi rin pinalad sa Emmy

Zanjoe Marudo

Ay hindi rin nagwagi si Zanjoe Marudo sa International Emmy Awards 2017  na ginanap sa New York kung saan nominated siya for best perfor­mance by an actor para sa isang episode ng MMK.

How sad. Baka nga hindi s­uwerte ang mga Pinoy ngayon sa mga international competition.

Kaya naman all out ang lahat para tulungang manalo si Rachel Peters sa pamamagitan ng pagboto sa official website ng Miss Universe.

Eh kasi nga nauna nang umuwing luhaan sina Mariel de Leon (Miss International) at Laura Lehmann (Miss World).

Go Rachel. Kaya mo yan.

Heart Evangelista at Christian Louboutin

Heart ibang level na ang kasosyalan

Pero ang isang tiyak na masuwerte ay si Heart Evangelista na ang sikat na French shoemaker/designer na si Christian Louboutin lang naman ang nakatsika at nakasayaw sa ginanap sa Philippine Tatler Ball last weekend. Bumiyahe raw sa Sorsogon ang mister niyang si Sen. Chiz Escudero kaya hindi ito nakasama sa nasabing sosyalan.

Wow. Ibang level.

Si Heart na ang napiling local ambassador ng international brand na nagbukas sa bansa, ang Carolina Herrera, at katsika lang din naman niya ang isang Hermes executive na madalas na nag-i-invite sa kanya tuwing may special event sa Paris ang Hermes.

At ngayon nga ang gumagawa ng mamahaling stiletto na kulay pula ang outersole na si Louboutin naman ang kanyang latest katsika.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with