^

Pang Movies

Mel Tiangco ayaw sa social media

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kung ang ibang news personality nagpapasikat

Masayang kausap si Ms. Mel Tiangco, bawat tanong mo, sa­sagutin niya nang buong puso. Humarap siya sa entertainment press para sa month-long 5th anniversary celebration ng kanyang award-winning drama anthology, ang Magpakailanman, this November. Hindi nga siya naupo sa seat na inihanda sa kanya dahil mas gusto niyang intimate na makausap ang press.

Bago nag-start ang presscon, medyo napaluha pa si Ms. Mel habang ipinalalabas ang touching scenes ng mga nagdaang episodes sa loob ng apat na taon.

“Tuwing Sabado, we showcase real story behind the story at maging inspiring and uplifting and also informative and interesting sa mga televiewers,” sabi ni Ms. Mel tungkol sa programa. “Kaya ngayong month long celebration namin, pumili kami talaga ng mga heartwarming episodes na alam naming mai-inspire kayo.”

Unang naipalabas ang tungkol sa apat na magkakapatid na babae na hindi naghiwa-hiwalay at hindi pinabayaan ang kanilang bunsong kapatid, isa sa kanila nag-donate ng kanyang kidney para gumaling ang kapatid.  Iyong isa, no read-no write na maid na nagustuhan ng amo, na­ging asawa, tinuruang magbasa at magsalita ng English ng American husband niya. Ngayon, may bahay na siya sa Amerika, may bahay din siya sa probinsya nila at living happily with her husband.

Ngayong Sabado, mapapanood naman ang story ni Azramie “Ramram” Cabugatan, ang batang nawalay sa ina pero nakuha ng isang ina rin, sa Isang Bata, Dalawang Ina na gagampanan nina Yasmien Kurdi at Sharmaine Arnaiz. After seven years, ibinalik si Ramram sa kanyang tunay na ina at naging malapit sa isa’t isa ang dalawang nanay dahil sa pagmamahal nila sa kanilang anak. Dinirek ito ni Gina Alajar.

Sa last episode naman sa November 25, tungkol ito sa labanan sa Marawi City, ang Kuwentong Marawi sa Mata ng Isang Sundalo na ginampanan ni Alden Richards at dinirek ni Mark dela Cruz.

Biniro si Ms. Mel kung meron siyang social media accounts at hindi ba siya nakakatanggap ng bashings sa mga netizen tungkol sa mga issues na tinatalakay niya?

May social media kami sa GMA Network at sa Kapuso Foundations, Inc. pero personally wala akong social media accounts. Meron din daw akong bashers, but I don’t care.  Mas gusto kong ubusin ang oras ko sa trabaho ko. Kung maaari nga lamang gusto kong naroon ako kung saan ako kailangan.

“Tulad ngayon ang Kapuso Foundation ay handa nang tumulong sa rehabilitation ng Marawi City, pero hinihintay pa namin ang approval ng government dahil marami pa rin daw silang nakikitang lugar na hindi pa safe puntahan, kailangang malinis muna nila.        

Ang drama anthology ay napapanood tuwing Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with