^

Pang Movies

Binatilyo ni Isabel balak mag-showbiz!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Gusto na palang umuwi sa Spain si Mommy Guapa, ang ina ni Isabel Granada ngayong nailibing na ang anak. Nag-stay daw lamang siya rito dahil nga narito si Isabel.  Mahal na mahal daw niya ang Pilipinas, pero nag-iisa na raw lamang siya dahil ang apong si Hubert ay nasa panga­ngalaga ng ama nito na si Jericho Aguas. Nasa Spain ang relatives niya at dapat daw lamang na nandoon na siya para makasama na­man sila.  Ayaw din daw naman ni Mommy Guapa na isama sa Spain si Hu­bert dahil baka gusto nitong ituloy ang balak na mag-artista at sundan ang yapak ng kanyang mommy.  Fourteen years old na si Hubert at nag-aaral din dito.

Kung ayaw ni Hubert sumama sa kanya sa Spain, pwede naman siyang dalawin ng apo doon. Noon daw kasing buhay pa si Isabel, balak nilang dumalaw sa relatives nila sa Spain pero hindi na natupad dahil nga binawian na ito ng buhay.

Sharon nalagpasan na ang depression!

Nag-post na si Sharon Cuneta sa kanyang Facebook page ng poster ng movie nila ni Robin Padilla, ang Unexpectedly Yours kung saan kasama rin nila sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Pinost na rin niya ang teaser ng movie na dinirek ni Cathy Garcia-Molina. “Just when you thought it was the end, you find out it’s actually the beginning,” sey pa ni Mega na halata mong masaya sa kanyang bagong pelikula.

Unexpectedly Yours is produced by ABS-CBN Film Productions Inc. (Star Cine­ma) at mapapanood na ito simula sa November 29 in cinemas nationwide.      

Ejay nire-research na ang amang French

Thankful si Ejay Falcon na nakasama niya ang Kapuso actors na sina Joey de Leon at Paolo Ballesteros sa comedy picture na Barb, D’ Wonder Beki. Noong una nga raw ay parang hindi siya makapaniwala na kinukuha siya para sa movie.

“It’s an honor po na makatrabaho ko sila, kilala po naman silang mahuhusay magpatawa,” sabi ni Ejay. “Sa movie po, magkababata kami ni Paolo as Billy at may lihim siyang pagtingin sa akin, kaya lamang hindi niya maipagtapat dahil masisira ang friendship namin.”

Kumusta namang katrabaho si Paolo?

“Yung pong pinagdaanan niya sa shooting namin, hindi po biro iyon,” sagot ni Ejay. “Kasi iyon po lamang pagmi-make-up niya ilang oras niyang ginagawa, tapos ang haba ng eyelashes niya, ang tagal din bago maikabit.  Humanga po ako sa kanya dahil alam kong sakripisyo ang paggawa niya ng movie, pero game siya sa lahat ng mga ipinagawa sa kanya, lalo na iyong mga fight scenes niya as Wonder Beki, hindi siya gumagamit ng double, siya lahat ang gumawa.”

Inamin naman ni Paolo na attracted siya talaga kay Ejay, pero alam daw niyang may girlfriend na ito, si Jana Roxas, na produkto ng Starstruck.

Nabanggit din ni Ejay sa interview, na kung may isa siyang wish na gusto niyang matupad, ito ay ang makita at makilala na niya ang tunay niyang ama.

“Nagsimula na akong mag-research tungkol sa biological father ko, gusto ko siya talagang makita at makilala.  Gusto kong malaman ang kuwento sa kanila ng mother ko.  Thankful po ako sa foster dad ko pero may mga times na ang feeling ko, kailangan ko ang father ko, kaya humingi na rin ako ng tulong sa mga kakilala ko, at sana nga matulungan nila ako para makita ko na ang father ko.”

Taga-Mindoro ang nanay ni Ejay at French naman ang ama niya.

Directed by Tony Y. Reyes at produce ng OctoArts Films, M-Zet Films at T-Rex Entertainment, ang Barbi, D’ Wonder Beki ay mapapanood na in cinemas nationwide simula sa November 29.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with